Isang pambihirang kuwento ng rescue at reunion.
Noong December 22, 2000, iniligtas ng pulis na si Gene Eyster ng South Bend Police, Indiana, USA, ang isang inabandonang sanggol na lalaki.
Isinalaysay ni Gene sa interview ng CBS Evening News, noong April 27, 2024, kung paano niya natagpuan ang sanggol.
Panimula niya, “I had one of those strangest calls I think I’ve ever had."
Iniwan daw ang sanggol na nakabalot sa kumot sa isang kahon na natagpuan sa common hallway ng isang apartment complex.
ABANDONED BABY RESCUED BY POLICEMAN IN 2000
Dinala ni Gene ang sanggol sa ospital at tinawag itong “Baby Boy Doe.”
Bumisita si Gene sa ospital na may bitbit na teddy bear. Gusto raw niyang maramdaman ng sanggol na “he was cared about.”
Hindi pabor si Gene sa tawag na Baby Boy Doe sa sanggol, kaya tinawag niya itong “Baby Jesus” dahil magpa-Pasko noon, at para rin siyang isinilang sa kural.
Iyon ang huling pagkakataong nakita ni Gene ang sanggol, pero hindi niya ito nakalimutan mula noon.
Naging classified ang records kaya hindi na natunton ni Gene ang kinahinatnan ng sanggol.
Ang huling pagkakaalam niya sa sanggol ay ipinaampon siya sa “some great adoptive parents,” ulat naman ng TODAY.com.

Matthew made it in the news when he was rescued as a baby
Read: Police officers having an affair, spouses out of service
ABANDONED BABY IS NOW A POLICEMAN
Makalipas ang 23 years, retirado na ang pulis.
Pero kamakailan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isang kapwa pulis, si Officer Josh Morgan.
Natagpuan na raw ang napulot ni Gene na sanggol noon.
Kuwento ni Gene, “He goes, ‘You’re not going to believe this, but Baby Jesus is sitting next to me right now. He’s my rookie.’”
Ang napulot na sanggol ay si Matthew Hegedus-Stewart, isa nang pulis.
Matapos siyang ma-rescue, inilagay si Matthew for adoption.
Lumaki si Matthew na alam niyang inabandona siya at inilagay sa kahon.
Naging pulis siya sa South Bend Police Department, ang parehong department na kinabilangan ni Gene.

(L-R) Officer Matthew Hegedus-Stewart and former Police Lieutenant Gene Eyster
Read: VIRAL: Baby dangling from the roof of second-floor unit
Nang maging head niya si Officer Morgan, nagkausap sila at napagtagpi-tagpi nilang dalawa ang mga pangyayari noon.
Sabi naman ni Matthew sa CBS Evening News, “Full circle moment. I can only imagine from his [Gene] point of view what it means.”
Nangyari pa ang muling pagkikita ng dalawa ilang buwan matapos masawi ang nag-iisang anak ni Gene sa edad na 36.
Sabi ni Gene, “So, the timing couldn’t be any better to help fill a void that I have to deal with.”
Batay sa Facebook page ng South Bend Police, nag-reunite sina Gene at Matthew noong katapusan ng March 2024.

