Dahil sa typographical error sa website, isang jewerly item ng luxury brand na Cartier ay nagkaroon ng price tag na 237 Mexican pesos (PHP799).
Halos isang milyon ang nabawas sa original price ng diamond-encrusted earrings dahil lang nakalimutan lagyan ng three zeros.
Yup, ang original price ay 237,000 Mexican pesos (PHP800,000).
Napakasuwerte ng lalaking doktor na nakatiyempo sa pambihirang sale na Cartier, na kilalang French luxury jeweler at watchmaker mula pa noong 1847.
HOW THE DOCTOR CHANCED UPON CARTIER EARRINGS
Isang post sa X (formerly Twitter) ang ginawa ng Mexican doctor na si Rogelio Villareal noong April 20, 2024.
Aniya sa post, nasa comfort room siya at nagna-“number 2.”
Gamit ang kanyang phone, napadako siya sa website ng kilalang jewelry retailer. Nagulat siya sa mahal ng mga kuwintas at nangarap na balang araw ay maa-afford niyang bumili.
Hanggang makita niya ang presyo ng diamond-encrusted earrings. Nanginig ang doktor sa presyo ng hikaw.
Parte ng post niya (translated in English): “until I saw the earrings. I swear I sweat cold.”
Naka-"sale" ang pares ng hikaw, at yun nga, ang presyong nakasaad ay 237 Mexican pesos o (PHP799), ulat ng The New York Times.

Agad na binili ng doktor ang items.
At nang ma-realize ng Cartier ang typo, tinangka ng kumpanya na makipag-barter kay Rogelio.
Ayon sa Agence France Presse, tinangka ng Cartier na kanselahin ang order ng doktor at padadalhan siya ng champagne at leather accessory bilang paghingi ng paumanhin sa pagkakamali.
Pero hindi kuntento ang doktor sa offer ng Cartier, at inabot ng isang buwan ang negosasyon na pumukaw sa atensiyon ng publiko.
Read: Police officers having an affair, spouses out of service
DOCTOR BRINGS THE ISSUE TO MEXICO CONSUMER PROTECTION AGENCY
Inakyat niya ang kaso sa federal consumer protection agency ng Mexico.
Sinabi ng doctor sa The New York Times na pinanigan siya ng ahensiya.
Post ng doktor noong April 22, “War is over. Cartier is complying.”
Nitong April 25, muling nag-post sa X ang doktor kalakip ang dalawang kahon na taglay ang signature wax stamp ng Cartier.
Natanggap na ng doktor ang kanyang purchased earrings.

Read: Motorist nearly evades highway patrol by using human dummy
Pero marami ang hindi pabor sa naging ending ng nangyari.
Pati ang Mexican senator na si Lilly Tellez ay nagbigay ng opinyon sa isyu.
Sa isang post sa X, sinabi ng senadora na mali ang ginawa ng doktor na pinagsamantalahan umano ang pagkakamali ng jewelry brand.
Parte ng kanyang post: "It's wrong to be opportunistic and take advantage of a mistake at the expense of someone else, and abuse the law, even if it's in your favor, and outwit a business. It is more important to be honorable than to have a pair of Cartier earrings."
Ikaw, pabor ka ba o hindi sa ginawa ng doktor?
