Naging viral sa international scene recently ang isang babae sa Rio de Janeiro, Brazil, nang ipasok niya ang patay na katawan ng lalaking naka-wheelchair sa bangko.
Naging viral ang balita dahil nakunan ito ng video at CCTV.
Tinangka ng babae na gumawa ng bank loan transaction gamit ang patay na katawan ng kanyang umano’y tiyuhin noong April 16, 2024.
Kinilala ang babae bilang si Érika Vieira Nunes, 42. Habang ang patay na katawan sa wheelchair ay si Paulo Roberto Braga, 68.
Read: Brazil woman arrested for using corpse to take out bank loan
Nagtangka si Nunes na mag-loan ng 17,000 reais ($3,250) mula sa bank account ng patay niyang tito, na pinilit pang pumirma sa mga dokumento.
Nakahalata ang bank employees na wala nang buhay ang biktima kaya tumawag sila ng pulis at medical team.
Inaresto si Nunes sa bangko at sinampahan ng kasong theft by way of fraud and desecration of a corpse.
Depensa naman ng abogado ni Nunes, nagawa lang ito ng suspek dahil sa kanyang “mental health issues,” ulat ng New York Post.
Pero ang tanong: Ano nga ba ang ikinamatay ni Braga?
Read: Convict argues he already served life sentence after dying briefly in hospital
CORPSE: CAUSE OF DEATH
Bukod sa pagiging malnourished, hindi inaalis ng isang doktor na posibleng nalason ang biktima, ulat ng Metropoles, isang Brazilian news website.
Ito ay batay sa doktor ng Mobile Emergency Care Service na tumingin sa katawan ng biktima.
Kumuha raw ng blood sample para sa toxicological testing, pero hindi pa naiulat kung nailabas na ang resulta.
Batay naman sa autopsy report, ang pagkamatay ni Braga ay dahil sa broncho-aspiration at heart failure na may sintomas ng malnourishment.
CORPSE: PERIOD OF DEATH
May iba-iba pang claims kung kailan namatay si Braga.
Depensa ng kampo ng suspek, sa loob ng bangko namatay ang biktima.
Nakita ng Brazilian police sa CCTV na inikot muna ni Nunes sa mall si Braga bago dinala sa bangko.
Read: Dutch woman, 28, opts for euthanasia to end mental suffering
Pero natukoy sa Metropoles report na wala nang buhay si Braga ilang oras bago ipasok ng suspek sa bangko.
Ang biktima ay may history ng health issues at “in need of special care” nang mawalan ito ng buhay.
Ilang araw bago nangyari ang insidente sa bangko, isinugod pa ito sa emergency at nakitang merong pneumonia at tachycardia.
Dependent din ito sa oxygen at hirap sa paglunok.
Isang araw bago ang insidente sa bangko, nakunan sa CCTV si Nunes na isinugod ang noon ay buhay pang si Braga sa emergency room.
Kasama rin sa iniimbestigahan ang driver ng ride-hailing app na makikita sa CCTV na tinulungan si Nunes na ibaba si Braga nang makarating sa bangko.
Ayon sa pulisya, “the elderly man’s body will be examined at the Legal Medical Institute (IML), in order to determine the circumstances of his death.”
ANG KUWENTO SA LIKOD NG INSIDENTE
Sa ulat ng TV Globo, isang TV station sa Brazil, noong April 16, 2024 ay pumunta si Erika de Souza Vieira Nunes sa isang sangay ng Itau Unibanco sa Bangu, Rio de Janeiro.
Kasama niya ang 68-year-old na si Paulo Roberto Braga at aalalayan umano niya ito para makapag-loan sa bangko ng US$3,200 o PHP182,609.60.
Nasa wheelchair si Paulo, at ayon kay Erika ay pamangkin siya ng matandang lalaki.
Siya rin umano ang primary caretaker ng kanyang uncle.
Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?
Napansin naman ng mga empleyado ng bangko na may mali kay Paulo.
Kinakailangan kasing hawakan ni Erika ang ulo nito para lang makatunghay nang maayos.
Sinabi ng mga empleyado kay Erika na bakit parang patay na yata Paulo.
Pero ayon sa babae, sadya lang tahimik ang kanyang uncle.
Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay
Sa video ay makikitang kinakausap ni Erika ang lalaki at pilit na iniaangat ang kanang kamay para matulungang makapag-fill up sa mga dokumento.
Paalala niya kay Paulo, kung naririnig siya nito ay kailangan nitong lagdaan ang dokumento.
Kung hindi umano lalagda ang kanyang tiyuhin, hindi maaaprubahan ang bank loan nito, at pasasakitin na naman nito ang ulo niya.
Sambit pa ni Erika, hindi naman siya puwedeng lumagda sa mga dokumento.
Ginagawa umano niya ang lahat para sa kanyang uncle, kaya lumagda na sana ito sa dokumento para wala na silang problema.
Read: Meet Osama Vinladen: Professional football player from Peru
Hindi naman sumasagot si Paulo sa mga tanong ni Erika, at ni hindi na rin ito makahawak ng ballpen.
Maririnig naman sa video ang isang bank employee na nagsabing mukhang hindi na talaga okey si Paulo.
May isa naman na nagkuha ng video sa nagaganap na mga eksena.
Read: Man creates own fake death certificate to avoid child support obligation
Ipinagpilitan ni Erika na maayos ang kanyang uncle at sadya lang na sobrang tahimik nito.
Babala pa niya kay Paulo, kung hindi maganda ang pakiramdam nito ay dadalhin niyang muli sa emergency room.
Sa pagkakataong iyon, tumawag na ang mga empleyado ng bangko sa pulisya at ospital.
Nang dumating ang mga paramedics, kinumpirma ng mga ito na ilang oras ng patay si Paulo.
Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours
Inaresto ng mga pulis si Erika at sinampahan ng mga kasong vilification of a corpse at attempted fraud.
Sinabi naman ng abogado ni Erika sa Brazilian media na mali ang mga impormasyong nakuha ng mga pulis tungkol sa insidente.
Paliwanag ng abogado, buhay pa si Paulo nang dalhin ito ni Erika sa bangko.
Namatay umano ang lalaki habang kasalukuyang pinuproseso ang loan approval—na kinumpirma diumano ng mga nakasaksi sa pangyayari.
Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
Pero para sa pulisya, gusto talagang mang-scam ni Erika.
Lumabas din sa imbestigasyon ng mga awtoridad na hindi siya pamangkin ni Paulo kundi malayong kamag-anak.
Wala ring naipakita si Erika na mga katibayan na siya ang caretaker ni Paulo.
Ipinagpapatuloy ng pulisya ang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Paulo.
Aalamin din ng mga awtoridad kung may iba pang kasabwat si Erika sa planong pang-i-scam sa bangko.
Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages
