PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mom's Heart-Stopping Moment: Newborn Swapped in Hospital.

"It did actually happen to us."
by Bernie V. Franco
Published Apr 18, 2024
Maisie Beth and Baby Belle
Maisie Beth takes to TikTok and recounts how her baby girl got swapped with another baby. “Never in a million years did I think that this is something I’d have to worry about."
PHOTO/S: @maisieandbelle on TikTok

Isang young mom ang nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano napalitan ang kanyang bagong silang na sanggol sa ospital.

Hindi raw niya inakala na ang eksenang napapanood lamang niya sa serye o pelikula ay mangyayari sa kanya sa totoong buhay.

“We’ve all seen the movies where babies get swapped in the hospital and the parents take the wrong one home,” bungad ni Maisie Beth, 22, ng Poole, England.

Ibinahagi niya ang karanasang ito sa isang video na in-upload early this week sa Tiktok, kung saan umani na ito na mahigit 900,000 reactions at daan-daang comments. Lumabas na rin ang kanyang kuwento sa ilang foreign sites.

Sabi ni Maisie sa kanyang baby-swap story, “Never in a million years did I think that this is something I’d have to worry about. But, yes, it did actually happen to us.”

newborn being cradled by its mom

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maisie Beth's baby girl was born in September 2023.

Read: Two babies switched at birth to be returned to their biological parents

Isinilang ni Maisie ang kanyang baby girl na si Isabelle, a.k.a. Belle, noong September 2023.

Kinailangan nilang magtagal ng ilang araw sa ospital dahil may kondisyon ang sanggol at kailangang gamutin.

Mag-isang inilagay ang sanggol sa nursery at isinailalim sa phototherapy dahil meron itong jaundice. Mino-monitor ang sanggol kada dalawang oras.

Dahil dalawang araw na sila sa ospital, kumpiyansa si Maisie na kilala na siya at ang kanyang baby ng mga nurses.

Read: Baby switching incident sa Cebu City hospital? “Nagkamali raw sa paglagay ng name tag.”

HOW MAISIE'S BABY SWAPPING HAPPENED

On their second day, madaling araw noon nang tumayo si Maisie para puntahan ang kanyang sanggol sa nursery.

Bago siya bumalik sa kanyang kuwarto, dumaan muna si Maisie sa restroom.

Nang pabalik na sa kanyang kuwarto, tinawag daw siya ng nurse at sinabihang pumunta sa hospital office dahil dinala roon ang kanyang sanggol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It did raise a few little red flags just because I was told she wasn’t allowed out of her phototherapy lamp,” lahad ni Maisie.

Tinanong daw niya ang midwife at sumagot ito na kinailangang dalhin sa opisina ang kanyang sanggol dahil ayaw nitong tumigil sa pag-iyak at kailangan nilang patahanin.

Sa isip-isip ni Maisie, “unlikely” ito dahil alam niyang hindi iyakin ang kanyang baby

“But then I was two days postpartum ang it was 3:00 o’clock in the morning, so I just took the baby off them and went back to bed," pagpapatuloy niya.

Makalipas ang ilang oras, tinanong ni Maisie ang mga nurse kung kailan ibabalik ang kanyang baby sa nursery.

Nag-aalala siya dahil ilang oras nang hindi exposed sa phototherapy lamp ang sanggol.

Sinabihan siya ng nurse na bihisan ang sanggol at ido-double check sa mga kasamahang nurse angkanyang concern.

“I changed Isabelle’s nappy at this point. When I tell you, I nearly had a heart attack…” lahad ni Maisie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinanggal daw niya ang diaper ng bata at nakita niyang lalaki ang sanggol.

"I honestly nearly passed out and I pressed the emergency button.”

Marahil nawalan daw siya ng pasensiya sa pangyayari kaya binuhat niya agad ang sanggol at dumiretso sa hospital office.

“I was demanding for them to tell me where Isabelle was because this was not my baby.”

Akala raw ng mga nurse noong una ay nagbibiro siya.

“But I told them that this was a little boy and their faces went white.”

Pagpapatuloy ni Maisie, “The reasoning behind it was apparently I looked identical to this little boy’s mum, so they just thought that I was her without checking.”

Nagtagal pa raw ng limang araw sina Maisie sa ospital at hindi na ito pinag-usapan pa.

Hindi raw alam ni Maisie kung alam ng ina ng baby boy ang nangyari.

Gumanti naman daw ang partner ni Maisie na si Daniel nang umuwi na sila; binitbit nito ang buong hospital crib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Man pulling baby crib with baby

Maisie's partner Daniel took the entire baby crib used by their baby girl Belle in the hospital.

NETIZENS ON MAISIE'S BABY-SWAP STORY

Maraming netizens ang nakisimpatiya sa nakakatakot na karanasan ni Maisie. Ang iba, nagmumungkahi kay Maisie na magsampa ng reklamo.

Ang iba ay naglahad ng kani-kanilang personal na hindi kaaya-ayang karanasan sa mga ospital nang manganak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may ilang netizens ang nagtatanong kung wala raw bang tag ang sanggol.

Sinabi ni Maisie na may tag ang kanyang sanggol, pero, “yes, but Bella had kicked hers off and they don’t have babies name on them.”

comments on baby swap

comments on baby swap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments on baby swap story

Ipinagtanggol naman siya ng ibang netizens na nagsabing may mga pagkakataong kailangang tanggalin ang tags tulad ng pagpapaligo sa sanggol, kaya naroon daw ang mga nurse at midwives para mag-assist at tiyaking nasa ayos ang lahat.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maisie Beth takes to TikTok and recounts how her baby girl got swapped with another baby. “Never in a million years did I think that this is something I’d have to worry about."
PHOTO/S: @maisieandbelle on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results