PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex-TV Star's Viral Videos: Life as Rider & Worker

Malakas pa rin kahit 73 years old na.
by KC Cordero
Published Apr 16, 2024
Photos of Natalis Chan
Ipinapakita ngayon ng Hong Kong TV ang buhay ng film icon na si Natalis Chan bilang isang delivery boy at construction worker.

Si Natalis Chan, 73, ay nagtrabaho bilang master of ceremonies sa TVB, isang television broadcasting company sa Hong Kong.

Isa rin siyang film actor at producer.

Kilala siya sa kanyang dynamic presence sa TV screen at iconic roles sa mga pelikulang nilabasan niya.

Isa si Natalis sa itinuturing na haligi ng Hong Kong entertainment world kasabay ng mga luminaries na sina Alan Tam, kilalang singer noong 1980s, at Eric Tsang, popular ng aktor noong 1980s at 1990s.

Ang veteran entertainer ay nag-retire na noong 2022.

Pero lumitaw muli ang pangalan niya sa social media dahil sa mga video clips na tila ay nagpapakita ng kasalukuyan niyang buhay matapos talikuran ang pag-aartista.

Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay

Nag-viral ang mga clips sa social-media platform na Douyin, ang Chinese equivalent ng TikTok.

Makikita ritong nagtatrabaho si Natalis bilang delivery rider at construction worker.

Photo of Natalis Chan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang video, makikitang binabagtas ni Natalis ang mga kalye sa kanyang area sakay ng isang electric bicycle.

Nagde-deliver siya ng pagkain sa mga customers.

Read: Meet Osama Vinladen: Professional football player from Peru

Sa isa pang video, makikitang nagtatrabaho siya bilang construction worker, suot-suot ang kanyang safety helmet.

Sa ilalim ng matinding sikat ng araw, binuhat niya ang mga nahukay na putik na nakasilid sa mga sako.

Kung ang video ang pagbabatayan, maoobserbahang malakas pa si Natalis para sa kanyang edad.

Read: DENR sa pagmamaltrato ng 2 vloggers sa mag-inang tarsiers: “Disturbing”

Habang ginagawa naman niya ang mabigat na trabaho, hindi niya maiwasang mapamura. Nagtawanan tuloy ang kanyang mga katrabaho.

Photo of Natalis Chan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng Dimsun Daily, isang entertainment website sa Hong Kong, last March 17, 2024, posibleng ipinapakita lang ni Natalis sa social media ang buhay ng mga taga-Hong Kong at ang hirap ng trabaho ng mga delivery boy at construction worker.

Read: Lalaki pineke ang death certificate para makaiwas sa pagsuporta sa misis

Hindi kasi masyadong nabibigyan ng pansin ang sektor na ito.

Ayon pa sa ulat, kung nasorpresa man ang mga tagahanga ni Natalis sa kanyang trabaho ngayon, patunay ito ng kanyang versatility at pagnanais na gampanan ang mga roles na malayo sa kanyang nakasanayang milieu.

Samantala, si Natalis ay dalawang beses nang nag-file ng bankruptcy.

Nalugi ang itinayo niyang clothing factory business noong 20s pa lang siya.

Read: 2 boys in Rizal get Batang Bayani Award for 'exceptional bravery in preventing robbery'

Hindi rin naging matagumpay ang itinayo niyang talent agency na StarEast kasama sina Jackie Chan, Eric Tsang, Alan Tam, at Anita Mui dahil sa management issues.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nalubog si Natalis sa utang dahil dito.

Natalis Chan and his wife

Masuwerte naman sa karera ng kabayo at stock market ang kanyang misis na si Cecilia Wong.

Forty-three years na silang kasal.

Ang asset ng mag-asawa ay tinatayang nasa US $3.1 million o PHP176,568,250.

Itinuturing ni Natalis ang kanyang misis bilang lucky charm niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinapakita ngayon ng Hong Kong TV ang buhay ng film icon na si Natalis Chan bilang isang delivery boy at construction worker.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results