Nagluluksa ngayon ang maraming K-pop fans sa biglaang pagpanaw ng South Korean singer na si Park Bo Ram.
Siya ay 30 years old.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kinabibilangang talent agency ni Bo Ram, ang XANADU Entertainment, ngayong Biyernes, April 12, 2024.
Ayon sa ulat ng South Korean outlet na Soompi.com, sinabi ng XANADU Entertainment na sumakabilang buhay si Park Bo Ram noong gabi ng April 11, ngunit kasalukuyan pang iniimbestigahan ang dahilan ng pagpanaw nito.
Pagkukumpirma ng ahensiya, "It’s true that Park Bo Ram died on April 11.
"The cause of death is currently being investigated by the police."
Read: In Korean Celebrity Suicides, the Spotlight Shines on the Country's Institutionalized Tragedy
Park Bo-Ram Cause of Death
Ilang oras lamang ang nakalipas matapos itong iulat, inilabas naman ng Allkpop ang nakarating sa kanilang impormasyon sa sanhi ng pagkamatay ni Park Bo Ram.
Ayon sa kanilang report, nasa private gathering si Park Bo Ram kasama ang dalawa niyang kaibigan nang mangyari ang insidente.
Pasado 9: 55 ng gabi nang mapaalam daw magbanyo si Park Bo Ram. Ilang minuto na raw ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang Korean singer kaya nagdesisyon ang isa sa kanyang kaibigan na tingnan at itsek siya.
Dito na raw naabutan ang singer na walang malay habang nakayuko sa inidoro.
Mabilis naman daw siyang nalapat ng CPR (cardiopulmonary resuscitation) nang kanyang mga kasama bago pa siya naisugod sa pinakamalapit na ospital.
career
Unang nakilala si Park Bo Ram nang sumali siya sa Mnet singing show na SuperStar K2 noong 2010, kunsaan napasama siya sa finalists.
2014 nang mag-debut naman siya bilang singer sa kanyang hit song na "Beautiful."
Bukod sa "Beautiful," kilala rin si Park Bo Ram sa mga kanta niyang ginamit sa ilang Korean telenovela series kagaya ng "Hyehwa-dong" ng Reply 1988 (2015); "Please Say Something, Even Though It Is a Lie" mula sa W (2016); at "Like A Dream" ng Prison Playbook (2017).
Bago ang kanyang pagkamatay, napapabalita pang naghahanda si Park Bo Ram sa kanyang comeback, kasabay sana ng kanyang 10th debut anniversary.
Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s
