Parehong 22 years old sina Matt Topham at Cassey Carington ng United Kingdom nang tumama sa lotto noong 2012.
Teen sweethearts ang dalawa.
Isang decorator si Matt, at isa namang store supervisor si Cassey.
Read: Boyfriend, nalamang tumama sa lotto ang girlfriend; nagpapabili ng kotse

Read: Lotto winner of PHP76.5B sues mother of his child for disclosing jackpot win to family
Ang halaga ng kanilang napanalunan sa lotto ay US$87 million o PHP4.9 bilyon.
Makalipas ang ilang buwan, nagpakasal sina Matt at Cassey.
Nabiyayaan ang kanilang marriage ng tatlong anak.
Last March 22, 2024, kinumpirma ni Cassey na hiwalay na sila ni Matt.
Ginawa niya ang announcement sa isang property nila ni Matt na mayroong runway.
Thirty-four years old na ngayon ang dalawa.
Read: Lotto winner ng PHP34M, naniniwalang nasa guhit ng kapalaran niya ang maging milyonarya
Si Matt ay nahilig sa race car mula nang manalo sila ni Cassey sa lotto.
Madalas siyang makita sakay ng kanyang Maserati kasama ang bagong girlfriend.
Nag-a-upload din siya at ang girlfriend ng kanilang photos sa social media kapag namamasyal o nag-i-ski.
Nakikita pa naman ng mga kapitbahay si Matt na dumadalaw kay Cassey.
Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya

Read: Babaeng akala ay "joke" lang ang jackpot winners sa lotto, suwerteng nanalo
Nakatira ngayon si Cassey sa bahay ng kanyang ama.
Ayon sa isang kapitbahay na nakapanayam ng UK press, nakikita nito si Cassey na nagmamaneho ng VW Tiguan na nagkakahalaga ng US$8,600 o PHP484,657.30.
Komento pa ng kapitbahay, sa tingin nito, kahit mamahalin ang minamanehong kotse ni Cassey ay hindi nagtatrabaho ang young mom dahil lagi itong nag-aalaga ng tatlong anak.
Kilala rin nito si Cassey mula pagkabata.
Nagkaroon umano ng ilang boyfriends si Cassey bago nito naging kasintahan si Matt.
Wala umano itong alam kung paano nagkakilala ang mag-asawa dahil hind masyadong nakikisalamuha ang dalawa sa mga kapitbahay.
Read: Housekeeper wagi ng PHP61M sa lotto matapos ang 20 years na pag-aalaga sa mga numero
Isa pang kapitbahay ang nagsabi na wala itong idea na tumama ang mag-asawa sa lotto.
At dahil nagmamaneho ng Maserati si Matt, inisip na lang ng kapitbahay na baka may mga negosyo ang lalaki.
Samantala, walang ibinigay na detalye si Cassey tungkol sa paghihiwalay ni Matt.
August 2023 ay may cryptic post siya sa social media na: “Sometimes, no matter how nice, kind, caring and loving you are, it just isn’t good enough for some people.”
Noong 2021 ay napatawan si Matt ng 16-week suspended jail sentence dahil sa careless driving.
Isang 75 anyos na babae kasi ang namatay dahil sa car crash na kinasangkutan ni Matt.
Huli siyang nag-post ng photo nila ni Cassey noong July 2021, apat na buwan matapos siyang masentensiyahan.
Noong time na iyon, mailap na sa social media si Cassey, at hindi na nagbibigay ng update tungkol sa kanyang sarili.
Read: Winner ng PHP16M lotto jackpot, gumamit ng System 8 sa pagtaya
Noong isang taon, naiulat din na ang property nilang Rushmoor Country, isang zoo na nasa Louth, Lincolnshire, England, ay isinara na dahil sa pagkalugi.
Nang hingan naman si Cassey ng update tungkol sa buhay nilang mag-asawa, sinabi niyang hindi na nakatira si Matt sa kanilang property.
Hindi na rin siya nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Iniuugnay ang nangyari kina Cassey at Matt sa “lottery curse” o sitwasyon gaya ng iba pang tumama sa lotto na nasira ang relasyon at maging ang pamilya dahil sa biglang pagdating ng pera.
O posible ring malaki ang naging epekto ng malaking pagbabago sa kanilang buhay. Maaaring nag-iba ang pag-uugali, pakikitungko sa isa't isa, maging personalidad.
Read: Kasambahay first time tumaya sa lotto, nanalo, pero naglaho na ang premyo
