Isang 91 anyos na lalaki ang nagdamdam sa kanyang mga apo, at tiniyak na mararamdaman ng mga ito ang kanyang sama ng loob sa oras na mamatay siya.
Dahil sa pagkadismaya niya sa limang apong babae, ang tanging ipinamana ng matanda sa mga ito ay 50 pounds (PHP3,500) bawat isa, mula sa naiwan niyang yaman na umabot sa sa 500,000 pounds (PHP35 million).
Bukod pa rito, ang kanyang flat unit ay umaabot sa 450,000 pounds (PHP32 million).
Ang ginawa ni Frederick Ward Sr., isang retired soldier na pumanaw noong 2020, ay nagdulot ng sigalot sa kanyang iniwang pamilya, ulat ng UK-based online tabloid na Mail Online, March 11, 2024.
Bago siya pumanaw, sinabi raw ni Frederick Sr. sa kanyang abogado na “upset” siya sa limang anak ng kanyang panganay na anak, si Frederick Jr., na namatay naman noong 2015.
Tatlong beses daw na-ospital noon si Frederick Sr. dahil sa lung condition, pero hindi siya naisip bisitahin ng limang apo.
Ang kabuuang yaman naman ng matanda ay ipinamana niya sa dalawa pa niyang nabubuhay na anak, sina Terry at Susan.
Nang malaman ng mga apo ang pamana ng kanilang lolo, inakyat nila ito sa korte.
Katuwiran nila, meron silang karapatan sa one-third wealth ng kanilang lolo.
Read: Japanese husband goes 20 years without speaking to wife under same roof
Nangatuwiran pa ang magkakapatid na inimpluwensiyahan ng kanilang nabubuhay pang tito at tita ang desisyon ng kanilang lolo.
Pero hindi ito kinatigan ng High Court judge master na si James Brightwell at sinabing ang last will and testament ni Frederick Sr. ay “entirely rational, adding that the grandchildren had ‘very limited contact’ with their ‘disappointed’ grandfather.”
Ibinasura ni Court Master Brightwell ang kaso ng limang apo.
Read: Family in Batangas lives in cave used as passageway during World War II
Sabi ng hukom: “Some may take the view that, as a general proposition, when a testator’s child has predeceased him, he generally ought to leave an equal share of his residue to that child’s issue.
“However, the decision not to do so and to split the residue and thus the bulk of the estate between his surviving children can hardly be said to be provision which no reasonable testator could make.”
Hindi rin pinaboran ng hukom ang katuwiran ng magkakapatid na inimpluwensiyahan umano ng dalawa pang kapatid ng kanilang nasirang ama ang will ng kanilang lolo.
Una na raw gumawa ng last will and testament si Frederick Sr. at hinati ang kanyang yaman sa tatlong mga anak.
Subalit nang mamatay si Frederick Jr. noong 2015, binago ito ni Frederick Sr.
Binawi ang pamana sa yumaong anak, at ang ipinamana sa mga apo nito ay tig-50 pounds.
Binanggit din sa ulat na mula nang mamatay si Frederick Jr., halos hindi na nakikita ng matanda ang mga apo nito at hindi siya binibisita sa mga pagkakataong na-ospital siya.
Dagdag pa ng hukom, "It is most likely that given the changed circumstances following Fred Jr.'s death and the limited contact with the claimants after then that Fred became disappointed with the claimants [grandchildren]."