Sumakabilang-buhay na ang American singer at songwriter na si Eric Carmen.
Si Eric ang dating lead vocalist ng Raspberries, ang American pop rock band na sumikat noong 1970 pero nabuwag noong 1975.
Siya ay 74.
Read: Akira Toriyama, Dragon Ball creator, dies at 68
Inanunsiyo ng asawa ni Eric na si Amy ang tungkol sa pagkamatay ng musikerong nagpasikat sa mga kantang "All By Myself," "Never Gonna Fall in Love Again," "I’m Through With Love," at "Love Is All That Matters."
Hindi sinabi ni Amy ang petsa at dahilan ng pagpanaw ng kanyang asawa, pero nakiusap siyang igalang ang kanilang pribadong pagluluksa.
Narito ang pahayag ng misis ni Eric:
“It is with tremendous sadness that we share the heartbreaking news of the passing of Eric Carmen.
“Our sweet, loving and talented Eric passed away in his sleep, over the weekend.
“It brought him great joy to know, that for decades, his music touched so many and will be his lasting legacy.
“Please respect the family’s privacy as we mourn our enormous loss.
“Love Is All That Matters... Faithful and Forever.”
Bukod sa pagiging singer ay kinikilala rin ang husay ni Eric bilang gitarista at keyboardist.
Isinilang si Eric sa Cleveland, Ohio, USA, noong Agosto 11, 1949.
Nag-umpisa ang kanyang singing career noong 1967.
Ang "All By Myself" ang unang hit song ni Eric bilang solo singer noong 1976, at sinundan ito ng "Never Gonna Fall in Love Again."
Anim na studio albums at apat na compilation albums ang ginawa ni Eric mula nang maging solo artist siya.
Nanatili siyang aktibo sa music industry hanggang bawian siya ng buhay.
Related Stories: