Sinubukan pero hindi kinaya.
Ito ang sinapit ng black American rapper na si Cardi B, 31, nang tangkaing kumain ng balut.
Ipinost ni Cardi B ang kanyang “Eat a Balut Egg with me” video sa TikTok nitong March 7, 2024.
Sabi niya, matagal na raw niyang nakikita ang balut sa social media, kaya sinubukan niya itong kainin.
“I got it, let’s try it, and rate it from 1 to 10,” sabi niya.
Bago magsimula si Cardi B, uminom muna siya ng dalawang uri ng antacid para raw protektahan ang kanyang tiyan.
Naghanda rin siya pinaghalong lemon, salt, and pepper para ilagay sa balut.
Binasag muna niya ang dulo ng balut gamit ang kutsara.
Nilagyan niya ng condiment mixture at saka sinubukang higupin ang sabaw.
Nasuka muna siya. Sinubukan niyang muli. Tinakpan ang ilong at hinigop ang sabaw.
Wala muna siyang ibinigay na reaksiyon.
Read: Bride faints after saying "I do" in wedding ceremony

Cardi B tries to sip the juice of the balut, but could not take its taste. So she pinched her nose and tried again. She succeeded.
Read: DFA clarifies wrong info about Pinoy vs Thai trans women clash; 1 Pinay injured was bystander
Pagkatapos ay binalatan nang buo ang itlog.
Napatili si Cardi B nang makita ang kabuuan ng balut, lalo na ang sisiw.
Susubukan daw muna niya ang yellow part. Isinawsaw ito sa sawsawan at isinubo.
Sinubukang nguyain pero iniluwa. Sabay sabing, “No. I don’t like it. I don’t like it.
“It’s very meaty. It literally tastes to me like an uncooked chicken…”

Nagustuhan naman daw niya ang sabaw.
Tumanggi rin siyang i-rate ang balut.
“I’m not even gonna rate in from 1 to 10. I’m just gonna say it is not for me, but I’m so glad that I tried it.
Kabig niya, “Maybe I did it wrong. Maybe I need to eat it from somebody that knows how to cook it because I couldn’t.”
Meron nang higit 12 million views ang TikTok video at this writing.
Hindi naman ito ang unang beses na sumubok ng Filipino dishes si Cardi B.
Taong 2020, sinubukan ni Cardi B ang mga pagkaing lumpia, pancit, at buko salad at nagustuhan niya ang mga ito.
Nasa video rin na may kasamahan siyang Pilipino sa video niyang iyon.
