PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen

Ang suspek ay ang malakas maghilik
by KC Cordero
Published Jan 29, 2024
A crime scene
Isang taon at kalahati nang may alitan ang suspek at ang biktima dahil sa malakas na paghilik ng una. Nauwi iyon sa komprontasyon, at nasaksak ng suspek na malakas maghilik ang kapitbahay na nagrereklamo. (Photo for illustration purposes only)

Inakusahan si Christopher James Casey, 55, residente ng suburban Philadelphia, ng pananaksak at pagpatay sa kanyang kapitbahay na si Robert Wallace, 62.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen noong January 15, 2024.

Napag-alaman na ang dalawang lalaki ay matagal nang may alitan dahil sa malakas na paghilik ni Christopher—na naririnig ni Robert dahil tumatagos sa manipis na pader na tanging pumapagitan sa kanilang mga bahay.

Read: Rapper na nakabuntis ng limang babae, pinagsabay-sabay ang baby shower

Man covering his ears with pillow

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng Upper Moreland Township Police at ng Montgomery County prosecutors, tinanggal ni Robert ang screen ng bintana ni Christopher, at binuksan iyon habang kumakain ng hapunan ang huli.

Naging mitsa iyon ng pagpapalitan nila ng maaanghang na salita.

Makalipas ang 20 minutong pagbabalitaktakan sa may bintana, bahagyang naging kalmado si Robert.

Gusto lang umano nitong makipag-ayos sa kapitbahay.

Tinangka nitong makipagkamay kay Christopher, at nag-alok pa na ito mismo ang magbabayad kung magpapa-opera si Christopher para mawala ang paghihilik.

Pero ang ginawa ni Christopher ay binuksan ang kanyang pintuan habang nakatalukbong ng kumot at may hawak na malaking military style patalim at stun gun.

Dito na niya sinaksak si Robert.

Read: VIRAL: Debutante sa Quezon, mga biik ang hininging regalo para makapagtayo ng piggery

Ayon sa pulisya, inamin ni Christopher na hindi siya pinagbabantaan ni Robert nang masaksak niya ito.

The suspect

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, matagal na umano silang may "personal issues" sa loob ng isa at kalahating taon.

Madalas ding ireklamo ni Robert sa pulisya ang malakas na paghilik ni Christopher.

Read: Lalaki sumailalim sa dalawang "enlargement" surgeries, idinemanda ang doktor dahil lumiit

Sa affidavit ng suspek, sinabi niyang si Robert ay “very ‘volatile, very strong, he’s angry type of person."

Hindi rin umano siya naniniwala sa intensiyon ni Robert na magkaayos na sila at sa pakikipagkamay nito.

Sa halip, nagdesisyon si Christopher na sorpresahin si Robert sa pamamagitan ng pagsaksak dito.

Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund

Si Christopher pa rin ang tumawag sa 911.

Nakita ng mga nagrespondeng pulis si Robert na nagawa pang makalayo sa bahay ng 50 piye.

Binawian ito ng buhay sa ospital.

May mga patak din ng dugo sa loob at labas ng bahay ng biktima.

Ang unang pahayag ni Christopher sa mga nagresponde, sapilitang sinira ni Robert ang kanyang bintana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I attacked my neighbor. He came to attack me."

Dinala rin si Christopher sa ospital dahil sa mga sugat sa katawan—na ayon sa pulisya, siya rin ang may gawa para palabasing nagkapisikalan sila ni Robert.

Read: "Introvert" influencer posts about buying all cinema seats; draws mixed reactions

Sinampahan si Christopher ng mga kasong third-degree murder, voluntary manslaughter and possessing instruments of a crime.

Mananatili siya sa kulungan kung hindi siya makakapagpiyansa ng PHP56 milyon.

Hanggang noong January 19, wala pa siyang abogado.

Wala naman siyang nakatalang ibang kaso sa hukuman.

Nakatakda siyang humarap sa korte para sa preliminary hearing sa January 29.

Ayon sa mga pulis at prosecutors, nakipag-ugnayan na sila sa mga kamag-anak ni Christopher para hingan ng komento, pero wala pang sumasagot sinuman sa mga ito.

Read: Ambulansya, nalubak; sakay na bangkay, nabuhay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang taon at kalahati nang may alitan ang suspek at ang biktima dahil sa malakas na paghilik ng una. Nauwi iyon sa komprontasyon, at nasaksak ng suspek na malakas maghilik ang kapitbahay na nagrereklamo. (Photo for illustration purposes only)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results