Kalat ngayon sa social media ang tungkol sa pagtanggal ng mga salamin sa restrooms sa isang middle school sa U.S.
Bakit?
Lagi raw kasing nagpapaalam ang mga estudyante para mag-CR, tapos gagawa pala sila ng TikTok videos sa harap ng salamin.
Kumpirmado naman ang balitang ito at naging laman ng regional news programs, kabilang ang WFMY-TV sa North Carolina sa U.S.
Ayon sa news report, tinanggal ng Alamance Burlington School System (ABSS) ang mga salamin sa restrooms dahil sa epekto nito sa "many distracted students.”
Lahad ni Les Atkins, public relations officer ng ABSS, “Too many students leaving class to go film TikTok videos.
“Students were going to the bathroom for long periods of time and making TikTok videos."
On the average, ang isang estudyante raw ay nagsi-CR ng hanggang apat na beses sa isang araw.
Pero napansin ng mga guro na ang mga estudyante ay nagpapaalam na magpunta ng restrooms ng pito hanggang siyam na beses sa isang araw.
“They were using the mirrors to record the videos,” ani Atkins.
Read: Abandoned dog found with heartbreaking letter from fur parent: "Sorry kung iniwan kita."
Ito ang nag-udyok sa school leaders na tanggalin ang mga salamin noong nakaraang linggo.
Pero hindi lang sa ABSS ito nangyayari.
Napaulat din sa isang separate news na ganito rin ang ginawa sa Piedmont Triad Middle School, na nasa North Carolina rin. Tinanggal ang mga restroom mirrors.
Umubra naman sa ABSS ang kanilang hakbang.
Sabi ni Atkins, “Not as many visits to the bathroom, not staying as long, and students are held accountable. And when there is accountability, there’s a great difference.”
Read: Princess Aiko of Japan to work as contractual employee in Red Cross
OTHER MEASURES
Binanggit din sa balita na may active approach ngayon ang ABSS para turuan ang kanilang mga estudyante tungkol sa “digital citizenship.”
“We’re trying to educate students, like we all have cellphones now, we have to learn to use them, we have to learn when to put them down,” sabi ni Atkins.
Giit niya, ang first step ay ang pagtuturo ng accountability sa mga estudyante.
Bukod pa rito, gumagamit din ang school ng digital hall pass system, para ma-check kung nasa loob o labas ng classroom ang mga estudyante.
Isa rin itong paraan ng accountability at para malaman ng school staff kung nasaan ang mga estudyante nila.
