Sa isang iglap, naulila ang anim na batang Pilipinong may edad na dalawa hanggang siyam na taon.
Naninirahan sa Michigan, USA, sila ay biglang naulila nang napatay ang kanilang mga magulang ng isang carjacker noong January 6, 2024.
Pumanaw ang mag-asawang Ryan at Jennifer Ambrosio mula Farmington Hills, Michigan, madaling araw ng Sabado, ulat ng BNN Bloomberg.
Ang sinasakyan nilang SUV ay nabangga ng rumaragasang nakaw na pickup truck.
Minamaneho ito ng suspek na si Angel Melendez-Ortiz, 35.
Pinaharurot ng carjacker ang sasakyan, at habang tinutugis siya ng mga pulis, patay ang kanyang headlights at kontra sa traffic flow ang kanyang direksiyon.
Sinabi rin sa ulat na ang takbo ni Melendez-Ortiz ng stolen car ay lampas 100 kph.
Papauwi noon sina Ryan at Jennifer mula sa isang dinner.
Base sa report, pumanaw ang mag-asawa sa lakas ng impact ng bangga, habang si Melendez-Ortiz ay isinugod sa ospital.
Nahaharap ngayon ang suspek sa multiple charges, kabilang ang two counts of second-degree murder.
Kapag nahatulang nagkasala sa second-degree murder, may parusa itong habang-buhay na pagkabilanggo, at hindi pa kasali rito ang ibang kaso.
Read:
- Jealous husband rips apart OFW wife’s passport and plane ticket at NAIA
- iPhone bumagsak mula 16,000 feet above dahil sa Alaska Airlines plane accident; gumagana pa rin
SIX YOUNG KIDS ORPHANED
Dahil sa aksidente, naulila ang anim na anak ng mag-asawa.
Ang mga bata ay may edad dalawa hanggang siyam na taong gulang, at sinimulan na ang GoFundMe, isang kilalang American crowdfunding platform online, para sa kanila.
So far ay tinatayang $475,000 na ang nalilikom, o mga PHP26 million. Ongoing pa rin ang kampanya para makakalap ng pondo para sa future ng mga bata.
