Uso ngayon sa China ang pagbabago sa korte ng tainga ng mga alagang aso o pusa para maging katulad ng tainga ni Mickey Mouse.
Tinatawag na "Mickey Ears" ang malupit na pet styling na ito, kung saan ang patulis na ear shape ay nagiging pabilog.
Isinasagawa ang procedure sa ilang shady pet clinics.
Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor
May mga nabibili ring special clamps kung gusto ng pet owner na ito mismo ang magkorte sa tainga ng alaga.
Ang siste: karamihan sa mga online sellers na ito ay walang lisensya para magbenta ng veterinary equipment.
Marami pang detalye na ibinunyag ang Hong Kong-based newspaper na South China Morning Post (SCMP).
Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

Read: Animal shelter in Davao City to be closed down; animals will be reportedly brought to dog pound
Ayon sa SCMP, isang pet clinic sa mountain city na Chongqing ang nagbibigay sa mga pet owners ng malaking discount kung ipapa-Mickey Mouse ang tainga ng kanilang pets bago sumapit ang Chinese New Year.
Ang nakaka-shock:, ang ganitong procedure ay legal pala sa China, kahit ang mga respetadong beterinaryo ay tumatangging gawin ito dahil sa ethical implications.
Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money
Ayon kay Liu Yundong, tagapamahala ng Loving Care International Pet Medical Centre sa Beijing, bihira ang gumagawa ng ganitong procedure sa tier-one cities.
Karaniwan aniya na ang sangkot sa ganito ay mga dog kennels at breeding facilities.
Ani Liu, “As veterinarians, we adhere to the principle of animal welfare and do not advocate these surgeries.
“The colleagues I’ve encountered are tacitly opposed to such surgeries.”
Paliwanag pa niya, ang ganitong surgical procedure ay may dalawang stages.
Ang una ay ang pagkokorte at paggugupit sa tainga ng pet, na karaniwang inaabot ng kalahating oras.
Ang ikalawa ay ang pagpapatigas sa tainga para manatiling nakatayo.
Nilalagyan ang tainga ng clip, at tumatagal iyon nang 20 hanggang 60 araw.
Read: "Malnourished" at bansot na alligator, na-rescue

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert
Sinabi ni Liu na ang ganitong karanasan para sa pet ay extremely traumatic.
Babala naman ni Chen Yong, isang veterinarian sa Shenzhen Lianhe Pet Hospital, “Damaging the natural structure of the ears can cause psychogenic problems in some pets.
“For instance, some sensitive pets may scratch repeatedly due to excessive pain.”
Dahil sa bizarre trend na ito, karamihan sa mga taga-China ay humihiling sa mga awtoridad na i-ban ang Mickey Ears procedure.
Ayon sa netizens, dapat ding parusahan ang mga sangkot sa ganitong animal cruelty sa mga walang kalaban-labang aso at pusa dahil lang sa cosmetic purposes.
Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines
