Nakatanggap ng papuri ang cabin crew ng Japan Airlines (JAL) Flight 516 dahil sa efficiency nitong mapababa at mailigtas ang 379 pasahero nang masunog ang eroplano.
Bumangga kasi ang eroplanong ito sa isang coast guard plane na nasa runway ng Haneda Airport sa Japan noong January 2, 2024.
Pagbaba ng JAL airplane bandang 5:47 p.m., nahagip nito ang coast guard aircraft kaya pareho silang nasunog.
Pagsapit ng 6:08 p.m. o 18 minutes after, nakababa na ang lahat ng pasahero at flight crew ng JAL plane.
Read: Japan Airlines cabin crew praised for "flawless" evacuation of 379 passengers from burning plane
Pero kabaligtaran ang sinapit ng mga pasahero ng coast guard plane dahil limang members ng rescue crew ang namatay.
Tanging ang piloto ng maliit na aircraft ang nakaligtas.
Pero bakit nga ba nasa runway ng airport ang coast guard plane?
Lumalabas na ang coast guard plane ay nagsasagawa ng rescue mission sa earthquake zone ng Japan matapos tumama rito ang 7.6 -magnitude na lindol noong mismong Bagong Taon, January 1, 2024.
Ayon sa Reuters, pangatlong biyahe na ng coast guard plane—dala ang tubig at pagkain—patungong quake zone sa isinasagawang rescue mission nang maganap ang banggaan.
Read:
- WWE wrestler now a trans woman influencer
- 13-year-old binatilyo, inakalang may diperensiya noon; nagtapos ng college with perfect GPA
WHAT THE INVESTIGATION reveals
Paliwanag ng mga imbestigador, ang claim ng coast guard pilot ay hindi niya alam na tinamaan ang kanilang sasakyang eroplano.
Isinugod ang piloto sa ospital dahil sa tinamong sugat.
Report ng The Asahi Shimbun, ito raw ang sinabi ng piloto sa Tokyo police, “the back of [the coast guard plane] suddenly caught fire."
Sinabi rin umano ng sugatang kapitan na hindi niya alam na naganap ang aksidente.
Matapos mangyari ang banggaan, itinawag umano ng piloto ang insidente sa Haneda Air Base, at ito ang kanyang pahayag: “The aircraft exploded on the runway. I escaped. I don’t know about the other crew members.”
Naniniwala naman ang Japan Coast Guard na hindi alam ng piloto na paparating ang JAL airplane.
Sinabi rin ng coast guard na ipinaliwanag sa kanila ng piloto na “[the pilot] obtained permission to enter the runway and then entered the runway.”
Naglabas ang transport ministry ng communication records sa pagitan ng air-traffic controllers at ng dalawang nagbanggaang eroplano.
Lumalabas dito na binigyan ng permiso ang JAL aircraft na mag-landing sa runway.
Ang sabi ng ministry official, “As far as we can see from the records, no permission was given to the Coast Guard aircraft to enter the runway.”
Kinokontra ito ng piloto ng coast guard plane.
Iniimbestigahan naman ngayon ng Tokyo police ang aksidente na maaaring umabot sa pagsasampa ng kaso ng “professional negligence resulting in death or injury,” ulat ng The Asahi Shimbun.
