PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Misis natuklasang may other family ang mister dahil sa loan

Mister, 12 years naitago sa misis ang extra-marital affair
by KC Cordero
Published Jan 3, 2024
A seemingly volatile situation between husband and wife
Walang alam ang misis sa negosyo ng mister, pero nang may loan collector na bumisita sa kanilang bahay, nagduda siya sa PHP77 milyon na inilipat ng lalaki sa pangalan ng ama at kapatid nito. Ang pera pala ang ginagamit ng mister sa pagsuporta sa other family nito.

Natuklasan ni Wang Xia, residente ng Zhejiang province sa eastern China, na may ibang pamilya ang kanyang mister na si Chen Kai.

Paano? Isang grupo ng mga kolektor ng loan ang bumisita sa kanilang bahay at hinahanap ito.

Thirty years ago, nagtayo si Chen ng isang kumpanya at naging matagumpay iyon.

Pero ang 10 million yuan, o mahigit PHP77 milyon, ay inilipat nito sa pangalan ng ama at isang kapatid na lalaki.

Ang pera pala ang ginagamit ni Chen para masuportahan ang ikalawang pamilya.

Nalaman ni Wang ang tungkol sa perang inilipat ni Chen sa pangalan ng ama at kapatid mula sa mga kolektor ng loan.

Read: Star Wars files plagiarism lawsuit against carwash in Chile called Star Wash

Dahil malaking pera ang involved, kinompronta niya si Chen.

Doon na nito ipinagtapat ang tungkol sa pangalawang pamilya nito.

Gayun na lang ang gulat ni Wang.

For 12 years, naitago sa kanya ang tungkol sa ibang pamilya ni Chen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ma-expose ang affair sa ibang babae, nanikluhod si Chen kay Wang at humingi ng kapatawaran.

Nangako rin ang lalaki na magiging tapat na sa misis.

Lahat ay ipinangako nito kay Wang huwag lang mag-file ng divorce.

Read: Empleyada nakatanggap ng baked potato as Christmas bonus; kinaltasan pa ng tax

Hindi hiniwalayan ni Wang si Chen.

Ang paniniwala niya, mas pabor kung hindi sila maghihiwalay para hindi maapektuhan ang kanilang anak na lalaki na nag-aaral sa high school.

Gayunpaman, makalipas ang isang taon, nagulat si Wang nang sabihin sa kanya ng anak na suportado nito ang ina kung magpa-file ito ng divorce.

Divorce proceedings

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cris Guiral, umangat ang buhay dahil sa 4ps, pagsisikap sa pag-aaral

Matapos dumulog sa korte, dahil wala siyang alam sa mga detalye ng negosyo ni Chen, nakiusap si Wang sa hukuman na siyasatin ang assets ng mister.

Kasama sa mga natuklasan ang 10 million yuan (PHP77 million) na inilipat ni Chen sa pangalan ng ama at kapatid—na para pala sa other family nito.

Sa ulat ng South China Morning Post last December 31, 2023, pabor ang desisyon ng korte kay Wang dahil hindi siya ang may kasalanan kung bakit humantong sa divorce ang pagsasama nilang mag-asawa.

Ipinagkaloob kay Wang ang sole ownership ng apat na flats na pag-aari nila ni Chen.

Hinahabol din ni misis na mapasakanya ang properties na binili ni Chen para sa other family nito—pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pang desisyon dito ang korte.

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang alam ang misis sa negosyo ng mister, pero nang may loan collector na bumisita sa kanilang bahay, nagduda siya sa PHP77 milyon na inilipat ng lalaki sa pangalan ng ama at kapatid nito. Ang pera pala ang ginagamit ng mister sa pagsuporta sa other family nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results