PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Indian actor Sajid Khan passes away at 71

Sajid Khan passes away on December 22, 2023.
by Jojo Gabinete
Published Jan 2, 2024
sajid khan nora aunor
Sajid Khan, the Indian actor who became Superstar Nora Aunor's leading man in the movie The Singing Filipina (1971), passes away on December 22, 2023. He was 71.

Matagal nang hindi aktibo sa Bollywood ang Indian actor at recording artist na si Sajid Khan na sumikat sa Pilipinas noong 1971 kaya ngayon pa lamang napag-uusapan ang pagpanaw niya.

Binawian ng buhay si Sajid sa Allapuzha, Kerala, India, noong Disyembre 22, 2023

Siya ay 71.

Pumanaw si Sajid, dahil sa matagal na pakikipaglaban sa kanser, anim na araw bago sumapit ang kanyang ika-72 na kaarawan noong Disyembre 28, 2023.

Kinumpirma ng anak ni Sajid na si Sameer ang pagkawala ng kanyang ama sa pamamagitan ng opisyal na pahayag.

Nakasaad dito: “It is with heavy hearts that we bid farewell to a true luminary of Indian cinema, Sajid Khan, who left an indelible mark on the silver screen with his compelling performances and timeless contributions to the world of entertainment.”

Unang nakilala si Sajid bilang matinee idol sa Amerika noong 1967 dahil sa partisipasyon niya sa NBC television series na Maya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kanyang popularidad sa Hollywood ang naging daan para magkaroon siya ng showbiz career sa Pilipinas.

Minahal si Sajid ng Filipino fans nang itambal siya sa Superstar na si Nora Aunor sa blockbuster movie na The Singing Filipina ng Tower Productions na ipinalabas sa mga sinehan noong Pebrero 1, 1971.

Read: Superstar Nora Aunor's Urban Legends, Part 3: The Superstar Phenomenon

the singiung filipina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang My Funny Girl at The Prince and I ang dalawa sa tatlong pelikulang Tagalog na pinagbidahan ni Sajid sa pansamantalang pamamalagi niya noon sa ating bansa.

Si Maritess Revilla ang kapareha ni Sajid sa The Prince and I ng Tower Productions na napanood sa mga sinehan noong Hunyo 25,1971.

the prince and i

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang kapatid ni Maritess na si Tina Revilla naman ang kanyang leading lady sa My Funny Girl ng Cinderella Pictures na nagkaroon ng theatrical release noong Setyembre 19, 1971.

my funny girl

Ang Heat and Dust ang huling pelikula ni Sajid noong 1983 dahil lumamlam na ang takbo ng kanyang acting career na namayagpag lamang mula 1966 hanggang 1974.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

heat and dust

Malaki ang naitulong kay Sajid ng popularidad ni Nora kaya sumikat siya sa Pilipinas noong 1971.

Matagal na hindi nagkita ang dalawa pero muling nagkrus ang kanilang mga landas nang piliin noon ni Nora na manirahan sa Amerika sa matagal na panahon.

Sa isang panayam kay Nora noong Marso 2015, ipinagtapat niyang naglingkod siya bilang caregiver ni Sajid nang walang anumang kapalit na kabayaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging caregiver din po ako at minsan ay inalagaan ko pa po nang libre ang matanda at naghihirap nang si Sajid Khan, isang Indianong aktor na naka-love team ko sa pelikula noong kami’y mga bata pa,” pahayag ng aktres tungkol sa pagtatagpo nila noon ni Sajid sa Amerika.

Read: Sad facts about deaths of Ronaldo Valdez, Lee Sun-kyun

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sajid Khan, the Indian actor who became Superstar Nora Aunor's leading man in the movie The Singing Filipina (1971), passes away on December 22, 2023. He was 71.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results