PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman's new car paid for by unharmed cup

Her viral video catches the attention of Stanley, the tumbler company.
by Bernie V. Franco
Published Dec 27, 2023
Stanley tumbler in burned car and Danielle Lettering
Makikita sa larawan (kaliwa) na buo pa rin ang Stanley tumber sa cup holder ng sunog na kotse. Close-up shot ng tumbler (gitna). Si Danielle Lettering at ang bagong kotse (kanan) na iniregalo sa kanya ng tumbler company.
PHOTO/S: TikTok

Isang babaeng nasunugan ng kotse ang niregaluhan ng brand-new car ng Stanley, ang 110-year-old drinkware and gear company na base sa Amerika.

Ang rason: Agaw-pansin kasi ang naiwang tumbler, isang popular product ng Stanley, sa loob ng kotseng nasunog.

Makikita sa TikTok video na in-upload ni Danielle Lettering noong November 16, 2023, na maraming wasak at basag sa driver's seat at dashboard ng kotse.

Pero, aba, undamaged ang kanyang orange Stanley tumbler sa nasa cup holder malapit sa stick shift!

Kinuha ito ni Danielle saka inalog, at maririnig ang kalansing ng mga yelo na buo pa rin makalipas ang isang araw mula nang masunog ang sasakyan.

Ang tumbler ay kabilang sa The Quencher H2.0 FlowState Tumbler series ng brand, at may price range na $35 to $50, depende sa size, sa official online shop nito.

Ayon sa product description, meron itong "double-wall vacuum insulation" and it "chills ice cold water for 48 hours."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At press time, ang TikTok video ay mayroon nang higit 91 million views.

Read: Snake bites man in Bohol; man bites back and kills snake

Stanley tumblerAng itsura ng Stanley stumbler na nanatiling buo sa kotse kahit sunog na ang kotse ni Danielle Lettering.

STANLEY PRESIDENT NOTICES THE TIKTOK VIDEO

Dahil sa pag-viral ng video, nakarating ito sa company president na si Terence Reilley, na agad nagbigay ng mensahe para kay Danielle through the official TikTok account of Stanley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ni Terence: “It really shows how our Stanleys are built for life … I couldn’t think of a better example of our product’s quality."

Dahil sa inadvertent product promotion, papadalhan ng company si Danielle ng mga tumbler.

Pero may mas malaki pang surpresa para kay Danielle.

Ani Terence: “But there is one more thing. We have never done this before and we will probably never do it again, but we’d love to replace your vehicle.”

Inabisuhan ni Terence si Danielle na makikipag-ugnayan sila via direct messaging (DM).

Read: Nicolas Puech of Hermès desididong ipamana ang yaman sa hardinero; sariling foundation, umaalma

Stanley President Terence ReilleySi Terence Reilley, presidente ng Stanley, sa kanyang TikTok video na ipinapaalam kay Danielle na reregaluhan ito ng bagong kotse.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DANIELLE RECEIVES BRAND-NEW CAR

Nitong December 16, 2023, isang buwan matapos masunog ang kanyang kotse at mag-viral ang TikTok video, nagbigay ng update si Danielle.

Natanggap na niya ang bagong kotse: isang white Mazda CX-90 2024 na may sunroof!

Danielle Lettering and Stanley tumblerSi Danielle habang ipinapakita ang kanyang Stanley tumbler at bagong kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa short video ang kanyang “crazy story” at kung paano siya nagkaroon ng bagong kotse.

Inilahad niyang nasunog ang kanilang sasakyan sa tabi ng highway noon, pero hindi alam kung ano ang naging sanhi nito.

Kinabukasan, dinala niya ang sunog na kotse sa junk shop, at dito nakitang intact ang kanyang Stanley tumbler at buo-buo pa ang yelo sa loob.

burning carAng nasusunog na kotse ni Danielle sa tabi ng highway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makikita sa larawan (kaliwa) na buo pa rin ang Stanley tumber sa cup holder ng sunog na kotse. Close-up shot ng tumbler (gitna). Si Danielle Lettering at ang bagong kotse (kanan) na iniregalo sa kanya ng tumbler company.
PHOTO/S: TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results