Mag-ingat! Pati kasi scammers ngayon, nagle-level up na. Kung digital na ang payment ngayon, sumasabay na rin ang scammers.
Tulad na lamang ng nangyari sa isang kainan sa Malaysia, kung saan ang QR code ng establishment ay tinakpan ng personal QR code ng isang suspected scammer para maloko ang customers ng restaurant.
Sa pamamagitan nito, ang bayad ng customers sa establishment ay mapupunta sa personal account ng scammer.
Read:
- Bank accidentally deposits PHP4.8 billion in HR employee’s personal account
- Bakit nagiging mabenta ang “expired” food sa Japan?
Ipinost ng netizen ang kanyang karanasan via Facebook page noong November 26, 2023.
Magbabayad na sana via digital payment ang netizen na kumain sa Lucky Kitchen sa Seremban, Malaysia, ulat ng The Straits Times.
Pagka-scan ng QR code, ang lumabas na pangalan ay iba, kaya nagduda ang customer dahil hindi naman ito ang pangalan ng eatery.
Inalerto niya ang eatery operator na si Loke Jingyi. Nakita ng operator na pinatungan ng ibang QR code sticker ang code ng eatery.
“I quickly checked the QR code image and was surprised to find, after peeling it off, that it was covering the correct image,” sabi ng operator.
“Scanning the ‘fake’ code revealed an individual’s name as the payment recipient, not the account the outlet was using.”
Sa sobrang busy raw ng operator ay hindi na niya namalayan na may nag-tamper sa QR payment standee ng kainan.
Buti na lang daw ay wala pang gumagamit ng pekeng QR code kaya hindi pa nawalan ang food business.
Ipinost naman ng netizen ang pangyayari upang magsilbing babala sa iba pang business owners na gumagamit din ng digital payment system.
