Hindi na bago ang pagkakaroon ng away-pamilya pagdating sa mana, lalo na kung walang iniwang last will and testament ang magpapamana.
Pero paano kung buhay pa ang magpapamana at sinusumbatan na siya ng mga kanyang mga tagapagmana?
Ang malala pa nito, aabot pa yata sa demandahan.
Ito ang kaso ng isang ginang na balo at ng kanyang tatlong anak, na mukhang hindi na makapaghintay para makuha ang kanilang mana.
Balak kasing ibenta ng ginang ang kanyang bahay, at lumipat sa mas maliit na tirahan dahil wala na ang mga anak sa kanyang poder.
Kailangan na ring isipin ng ginang ang kanyang sarili dahil tumatanda na siya at wala siyang panggastos sakaling magkasakit siya.
Pero nagalit ang mga anak nang malaman ang plano ng kanilang ina.
Read: Australian vlogger's video shows how he was scammed by tricycle driver in Manila
Sabi sa letter ng ina sa columnist ng Daily Mail na si Jane Green, isang New York Times bestselling author, inakusahan siya na gusto nitong sirain ang ng mga anak ang “childhood memories and the final memories of their father by selling the family home.”
Ayon pa sa ginang, nag-“demand” ang kanyang mga anak na ilipat na sa kanilang pangalan ang titulo ng bahay para maiparenta nila ito. Ang income ang siyang gagamiting panggastos ng ginang.
Pero ayaw pumayag ng ginang na sinabing ipinapaalala ng bahay ang kanyang namayapang mister.
Nagbanta naman ang kanyang mga anak na kumonsulta na sila sa isang abogado to “legally stop” her from selling their house.
Hinagpis ng ginang: “They claim it’s their inheritance and that I’m trying to keep the money away from them.”
Ang pinakahuling nais daw niya ay masangkot sa isang “horrendous family feud.”
Aniya pa ukol sa kanyang mga anak: “I’m absolutely disgusted by their behaviour and can’t get over how selfish they’re being.”
Read: Lady who used to be cancer patient in hospital now working as nurse in same hospital
At naniniwala siyang magagalit ang kanyang asawa sa nangyayari kung buhay pa ito.
Sa ngayon ay pinag-iisipan na raw niyang sumunod sa kagustuhan ng mga anak para magkaroon na lang ng katahimikan, at hindi na siya ihabla ng mga ito.
Read: Travel writer shares joy of finding true love "while doing what I love"
Ayon sa columnist na si Jane, hindi nauunawaan ng mga anak ang “emotional trauma” na pinagdadaanan ng kanilang ina.
Iminungkahi rin ni Jane sa ginang na kumonsulta ito sa experts para magkaroon ng options, at mas mabuting isama ang kanyang mga anak sa pag-uusap.
Sabi pa ni Jane, ibenta na lang sa kanyang mga anak ang bahay o di kaya ay bigyan siya ng regular na sustento kapalit ng bahay.