Nakalusot ang isang male student na nagawang tumira nang palihim sa ilalim ng hagdan sa isang mall sa Shanghai, China.
Anim na buwan na wala siyang renta na binayaran, pero nabisto rin siya eventually ng mga security guards.
Ito ang kuwento ng isang TikTok video na nag-viral recently. Ibinalita ito ng ibat-ibang foreign media outlets.
Sa video, makikita na nagtayo ng isang tent ang estudyante sa ilalim ng hagdan na hindi takaw atensiyon.
Naglagay rin siya ng office desk, upuan, at may electric kettle pa.
Gumamit umano siya ng inverter para mag-charge ng gadgets, at kung minsan ay nakikigamit siya ng electric outlets sa mall.
Isa umano siyang secondary student na naghahanda para sa kanyang college entrance exam.
Read: 60-year-old jewelry business, ipinamana ng owners sa loyal employees

Iniulat ng Beijing Times na nagre-review ang estudyante para sa Gaokao exams, ang national college admission exams sa China na itinuturing na “world’s toughest” exam.
Sabi sa ulat, noong simula ay may nakakitang security guard sa estudyante at sinita ito.
Pero nakiusap umano ang estudyante sa guard at sinabing kailangan daw nito ng tahimik na lugar para mag-review para sa exam.
Naawa raw ang guard at pinayagan ang estudyante. Nangako naman daw ang estudyante na aalis siya pagkatapos ng kanyang exam.
Read: 36 rescued cats ni Gretchen Malalad, tinangkang lasunin ng helper
Pero lumipas ang mga buwan, patuloy na nanirahan sa mall ang lalaki.
Noong October 30, nadiskubre ng isa pang mas istriktong security guard ang “tenant” sa mall.
Nakunan ng video ang lalaki na nakaupo at tumitingin pa sa kanyang cellphone habang nasa tabi niya ang tulugang tent.
Ayon sa reports, inaresto ang estudyante.
Hindi naman kataka-taka ang pangyayari dahil itinuturing ang Shanghai bilang isa sa "world's most expensive cities to live in." [twitter:
A young man has been found living under the hidden stairs of a shopping mall in #Shanghai for over half a year without anyone knowing. A ergonomic chair, a tent, a table and a computer - he cleaned up the small place and even used an inverter to generate electricity. pic.twitter.com/WF6ZX7SEGe
— Shanghai Daily (@shanghaidaily) November 2, 2023
]
