Ipamamana ng mag-asawang jewelry business owners ang kanilang 60-year-old business sa mga empleyado.
Wala kasing mga anak at mapagkakatiwalaang kamag-anak ang mag-asawa, na naghahanda na para sa kanilang retirement.
Ayaw rin nilang ibenta ang negosyo dahil gusto nilang may malasakit ang magpapatakbo ng pinaghirapang business.
So ang naging best option nila ay ipamana ito sa kanilang anim na long-time employees na nagtrabaho sa kanila sa loob ng maraming taon.
Sa ganoong paraan daw, alam nilang maaalagaan ang kanilang pinagpagurang negosyo.
Ito ang napagkasundaan ng mag-asawang Harvey at Maddy Rovinsky, owners ng Bernie Robbins Jewelers sa East Coast sa United States.
Sabi ni Harvey sa CBS News, “I’d rather have their legacy of burden continue than sell the business to someone that would change what we’re doing.”
Nagsimula ang negosyo bilang tindahan ng appliances noong 1962, na itinayo ni Bernie Robbins, father-in-law ni Harvey.
Kalaunan ay nag-venture ito sa jewelry.
Ipinamana ito ni Bernie Robbins sa anak na si Maddy at sa asawa niyang si Harvey.
Sa ngayon ay may branches sa Philadelphia at New Jersey ang jewelry business.
Read: Guy pays PHP12K on steak date; girl judged as "gold digger"

Inside a Bernie Robbins Jewelers store
Sila ay nagbebenta ng “world’s most prestigious timepieces, an unparalleled diamond selection and universally celebrated designers” sa nakalipas na ilang dekada.
"My wife and I are not kids anymore. We don't have any family in the business, and we kind of need a path for succession. You know, our runway is getting shorter and if we have a problem with one of us or both of us, then the business goes away,” ani Harvey sa Fox News Digital, November 19, 2023.
Ang mga empleyadong nagsilbi sa kanila sa loob ng maraming taon ang nakikita nilang deserving na pamanahan.
Sabi ni Harvey, "We've been looking for a way to keep it going, to keep really great people continually employed. Many of them have been with us 30 years, 25, 20 years. So these are long-term people, they're like family."
Read: Passenger baffled by “imported dog food” on menu of Chinese airline
DESERVING PEOPLE TO RUN THE BUSINESS
Noong nakaraang taon, naghanap ng buyer ang mag-asawa para ibenta ang isa sa kanilang signature stores, pero napansin nilang wala ni isa ang “qualified to continue the legacy”.
Sabi pa ni Harvey, “We said, ‘You know, this has been right in front of our faces all this time. Instead of trying to find a qualified buyer, why not give it to people that are successfully running it now.’
"They understand our culture, they understand what we want. They've been doing it, they've been running it and we've been fortunate that money aspect was not a motivation.
“So we're going to continue the business with the people that know how to run it."

Owners Harvey and Maddy Rovinsky are now ready to retire from their business.
Seventy-six na ngayon si Harvey at 57 years na siyang nagtatrabaho sa ipinamanang jewelry business sa kanya, kasama ang asawa.
Sa loob ng maraming taon, maraming pinagdaanan ang kanilang negosyo, at napalago nila ito.
Wala raw duda si Harvey na maaalagaan ito ng mga empleyado na gagawing tagapagmana.
