PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Old painting worth PHP1.4 billion discovered

It is tagged as "most expensive pre-Renaissance painting."
by Bernie V. Franco
Published Nov 13, 2023
Derision of Christ painting
Ito ang 13th century painting na Derision of Christ o Christ Mocked ng painter na si Cimabue. Matagal itong nakasabit sa kusina ng isang babae who is in her 90s, pero isa pala itong national treasure ng French government.
PHOTO/S: Acteon

May kasabihang may pera sa basura.

Kaya bago magbasura ng mga lumang gamit, mag-isip-isip muna.

Kasi kung susuwertehin ka, baka abot pala ang halaga nito lampas isang bilyong piso.

Ito ang pambihirang kuwento ng painting na nakasabit sa kusina ng isang ginang in her 90s sa Compiègne, France.

Read:

Painting na nabili for PHP220; may nakaipit sa frame na historical document worth PHP134M

Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!

Hindi ito pinapansin ng may-ari, at muntik pa nga raw niyang itapon ito, ayon sa mga naunang ulat.

Pero noong 2019, nadiskubre ang painting, at na-authenticate.

Lumabas na obra pala ito ng pre-Renaissance Italian painter na si Cimabue—kilala rin bilang Cenni di Pepo or Cenni di Pepi from the 13th century.

Ang painting ay tinatawag na Derision of Christ o Christ Mocked, at nagkakahalaga ito ng higit $25 million o higit PHP1.4 billion nang dumaan sa auction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang kamalay-malay ang babae na isang art treasure pala ang nakasabit sa kanyang kusina.

Akala raw niya ay wala itong kuwentang painting mula sa Russia at gusto na nga niyang itapon.

Read:

Painting, binili ng PHP200 sa second-hand shop, original pala na abot PHP14M ang presyo

Bored" security guard nilagyan ng mga mata ang painting na worth PHP50M

October 27, 2019 nang ma-auction ang “most expensive pre-Renaissance painting in the world,” ulat ng Barnebys.com.

Dahil walang pambayad ang Louvre—ang national museum ng Franceang bumili nito ay ang Chilean billionaire na si Alvaro Saieh Bendeck at ang kanyang misis para maging bahagi ng kanilang private collection.

Subalit hindi binigyan ang Chilean billionaire ng export license ng French government kaya’t hindi nailabas sa France ang painting.

Alam kasi ng French government ang kahalagahan ng painting na idineklara pang national treasure.

Nagkasundo naman ang French Government at Louvre. Nito lamang November 3, 2023 inanunsiyo ng Louvre via its website na na-acquire na nila ang Christ Mocked painting ni Cimabue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Colorful pots and pans as low as PHP129, pang-luto na, pang-regalo pa!

Una nang napaulat na binigyan ng French government ang Louvre ng 30 months para makapag-raise ng pondo.

Sa press statement ng Louvre sa website, inanunsiyo nito ang acquisition ng dalawang national treasures, isa na rito ang Derision of Christ.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang 13th century painting na Derision of Christ o Christ Mocked ng painter na si Cimabue. Matagal itong nakasabit sa kusina ng isang babae who is in her 90s, pero isa pala itong national treasure ng French government.
PHOTO/S: Acteon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results