Naglabas ng pahayag ang JKN Global Group ilang oras matapos maglabasan ang balitang nag-file umano ng bankruptcy ang kompanya sa Central Bankruptcy Court noong November 8, 2023, base sa nakasaad sa kanilang report sa Stock Exchange of Thailand.
Ang JKN Global Group ay pinamumunuan ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip, ang bagong may-ari ng Miss Universe Organization.
Ayon sa Bangkok Post, hiniling ng kumpanya sa korte “to adjust interest rates on existing debt and extend its debt repayment period, and proposed itself as a planner for the process.”
Read: Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip faces debt problem
Ayon sa pahayag ng kumpanya—na inilabas sa Instagram Story ng Miss Universe at ni Anne—siniguro nilang may pera pa sila para sa operating expenses nito at magpapatuloy ang kanilang operasyon.
Siniguro rin nilang malinis ang operasyon ng Miss Universe at looking forward sila sa maayos na presentasyon ng grand coronation sa susunod na linggo.
Narito ang buong pahayag ng JKN Global:
"JKN Global Group has announced a plan to refinance our debt and rehabilitate our business.
"While our operating cash is intact and the company will continue to run operations as planned, this is a necessary step in our growth to ensure that our debt is repaid and the company remains financially healthy.
"Miss Universe Organization, which is only one of our many business lines, is completely clean and will continue to operate as planned.
"We look forward to three fantastic broadcasts next week."


Gaganapin ang 72nd Miss Universe sa November 18, 2023 sa bansang El Salvador.
