Bukod sa kanyang pamilya at mga tagahanga, ang limang taong labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng American-Canadian actor na si Matthew Perry ay ang kanyang mga kasamahan sa hit 1990s American television sitcom na Friends.
Sina Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc, at David Schwimmer.
Noong Sabado, October 28, 2023, natagpuang wala nang buhay si Matthew sa jacuzzi ng kanya mismong tahanan sa Los Angeles, California.
Siya ay 54.
Ayon sa inisyal na resulta ng imbestigasyon, pagkalunod ang dahilan ng pagpanaw ng aktor.
Read: Friends star Matthew Perry dies at 54
Ikinagulat ito ng mga tagahanga ni Matthew sa buong mundo, lalo na ng kanyang mga kasamahan sa Friends na sina Jennifer, Courteney, Lisa, Matt, at David.
Sa joint statement na ipinadala nila sa People Magazine nitong Linggo, October 30, sinabi nila na labis silang nagdadalamhati.
Anila, hindi lamang cast member ang turingan nila sa isa't isa, kundi isang pamilya, kaya ganon na lang kasakit para sa kanila ang biglaang pagpanaw ni Matthew.
Mababasa sa kanilang pahayag, "We are all so utterly devastated by the loss of Matthew.
"We were more than just cast mates. We are a family."
Sa ngayon ay pinoproseso pa raw nila ang malungkot na katotohanang wala na si Matthew.
Wala rin daw silang ibang hangad kundi ang kapayapaan nito kung saan man ito naroroon ngayon.
Anila, "There is so much to say, but right now we’re going to take a moment to grieve and process this unfathomable loss.
"In time we will say more, as and when we are able.
"For now, our thoughts and our love are with Matty’s family, his friends, and everyone who loved him around the world."
Read: In remembrance: Sad reason why Matthew Perry broke up with Julia Roberts
Nakilala nang husto si Matthew nang gumanap siya bilang si Chandler Bing, isa sa main cast ng sitcom na Friends na napanood sa American TV network NBC mula September 22, 1994 hanggang May 6, 2004.
Bukod pa rito ang mga pelikulang Fools Rush In, The Whole Nine Yards, at 17 Again na pinagbidahan rin niya noon.
READ MORE:
