Ang BIGBANG member na si G-Dragon, Kwon Ji-yong sa tunay na buhay, ang bagong dagdag sa listahan ng South Korean celebrities na inaresto ng mga awtoridad kaugnay ng hinihinalang paggamit ng ilegal na droga.
Ngayong Miyerkules, iniulat ng news agency na News1 na inaresto ng Incheon Metropolitan Police Agency si G-Dragon dahil sa reklamong paglabag sa Act on the Control of Narcotics, Etc.
Inaresto ang 35-year-old K-pop star ngunit hindi ito na-detain.
Maliban sa impormasyong ito ay wala nang iba pang detalye na ibinahagi ang police dahil iniimbestigahan pa raw nila ang kaso.
Nilinaw naman ng Incheon police na ang kaso ni G-Dragon ay walang kinalaman sa kaso ng Parasite actor na si Lee Sun Gyun, na kasalukuyan ding iniimbestigahan dahil sa drug use.
Read: ‘Parasite’ actor Lee Sun Gyun under investigation for suspected drug use; agency reacts
Samantala, hiningan ng reaksiyon ng Xportsnews ang YG Entertainment tungkol sa pagkakasangkot ni G-Dragon sa drug use.
Pahayag ng YG Entertainment, “[G-Dragon] is currently not an artist under our agency, so it is difficult for us to make an official response.”
Inanunsiyo ng YG Entertainment noong June 2023 na nag-expire na ang exclusive conract sa kanila ni G-Dragon.
Si G-Dragon ay miyembro ng boy band na BIGBANG, kasama sina Taeyang, TOP, Daesung, at Seungri. Nag-debut sila noong December 2006.
Bukod sa pagiging singer ay kilala rin si G-Dragon bilang fashion icon sa South Korea.
