TRIGGER WARNING: Abortion
Nagulantang ang mga tagahanga ng American pop superstar na si Britney Spears, dahil sa isiniwalat nitong pagpapalaglag sa anak nila ng ex-boyfriend niyang si Justin Timberlake.
Taong 1999 nang magsimulang mag-date ang dalawa. Tumagal ng halos tatlong taon ang kanilang relasyon hanggang sa magkahiwalay sila noong 2002.
Ayon kay Britney, nagbunga raw ang kanilang pagmamahalan, ngunit hindi raw natuwa ang dating NSYNC frontman na si Justin.
Bukod kasi sa mga bata pa sila noong mga panahong iyon ay nasa kasagsagan pa ng kasikatan ang kanilang mga career.
Dahil dito, nagdesisyon daw ang dalawa na ipalaglag ang nasa sinapupunan ni Britney.
Pero kung ang pop icon daw ang tatanungin at masusunod noong mga panahong iyon, ayaw niya sana itong gawin.
"It was a surprise, but for me, it wasn’t a tragedy.
“I loved Justin so much. I always expected us to have a family together one day.
“But Justin definitely wasn’t happy about the pregnancy.
"He said we weren’t ready to have a baby in our lives, that we were way too young," saad ni Britney.
Ang rebelasyong ito ay nakasulat mismo sa upcoming memoir ni Britney na The Woman in Me, ayon sa ulat ng PEOPLE Magazine.
Dagdag pa ng "Toxic" singer, "I never would have done it. And yet Justin was so sure that he didn’t want to be a father.”
Ilang dekada man ang lumipas na, patuloy raw na nagsisisi si Britney sa kanyang nagawa.
Saad niya, “To this day, it’s one of the most agonizing things I have ever experienced in my life."
Unang nagkakilala sina Britney at Justin noong 1992 nang mapasama sila sa cast ng children's TV program na The Mickey Mouse Club.
Nabalutan din ng kontrobersiya ang kanilang breakup noong March 2002 nang maglabasan ang ilang ulat na nangaliwa diumano si Britney habang sila pa ni Justin.
Read: Justin Timberlake allegedly insults ex-gilrfriend Britney Spears
Sa ngayon ay may dalawang anak na si Britney—sina Sean Preston, 18, at Jayden James, 17, sa former second husband niyang si Kevin Federline.
Noong April 2022, inanunsiyo ni Britney na buntis siya sa ikatlo sana niyang anak sa third husband niyang si Sam Asghari, ngunit sa kasamaang palad ay nakunan siya.
August 2023, nag-file ng divorce si Britney para ipawalang bisa ang kasal nila ni Sam.
Read: Britney Spears to marry again for the third time
Habang si Justin naman ay ikinasal sa American actress na si Jessica Biel noong 2012. Biniyayaan sila ng dalawang supling — sina Silas, 8 at Phineas, 2.
Read: Justin Timberlake debuts son with wife Jessica Biel on Instagram
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang pahayag ang kampo ni Justin tungkol sa mga rebelasyon ni Britney.
