Nagpakagat sa gagamba—isang black widow—ang isang walong taong gulang na batang lalaki dahil sa kagustuhan niyang maging si Spider-Man.
Pero hindi nagkaroon ng special powers ang bata.
Baglus, isinugod siya sa ospital dahil ang black widow ay isang venomous arachnid.
Nangyari ang insidente sa bayan ng Vichuloma sa Bolivia, ulat kamakailan ng EFE, isang Spanish media outlet.
Malinaw na na-inspire ang bata sa Marvel superhero na si Spider-Man o Peter Parker, na matapos kagatin ng isang radioactive spider ay nabigyan ng superpowers.
Mayroong iba-ibang species ng black widow spiders, at ang venom nila ay sinasabing "15 times stronger than rattlesnake venom," ayon sa National Geographic Kids.
Ang female black widow ay kulay itim at may kulay pula sa gitnang bahagi ng katawan nito.

Read: Jeepney driver na nakasagi ng van, binigyan pa ng bigas at groceries ng van owner
MEDICAL EMERGENCY
Natagpuan ng batang lalaki ang black widow spider sa ilalim ng bato, lahad ni Ernesto Vasquez, head ng Zoonotic Diseases Program of the Departmental Health Service of Oruro, Bolivia.
Kusang nagpakagat ang bata na ginaya ang nangyari sa karakter ni Peter Parker bago ito naging si Spider-Man.
"The child, without considering the risks, picked it up, placed it on the back of his palm, where the arachnid made the bite," ani Vásquez sa ulat ng EFE.
Inilagay ng bata ang gagamba sa isang bote at umuwi.
Makalipas ang tatlong oras, nakaramdam ito ng pananakit ang buong kalamnan nito.
Nang tanungin siya ng ina, ikinuwento ng bata na kinagat siya ng isang makulay na gagamba.
Dinala ng ina ang anak sa kalapit na health center, pero inirekomendang isugod ang pasyente sa Hospital General San Juan de Dios sa Oruro City.
Read: Tinakot kidnapin? Listong Korean vlogger, napahuli ang drivers na tinangka siyang holdapin
Binigyan ng anti-venom ang bata, na naging stable ang kondisyon makalipas ang kalahating oras.
Nabahala ang mga awtoridad nang makausap nila ang bata at tinanong kung ano ang nangyari.
Sabi ni Vasquez, “We are extremely concerned because the analysis and questions asked to the child when he had already recovered indicate that he picked up the arachnid with a simple purpose—that he wanted to become Spider-Man."
Saad ng opisyal, dapat ay ipinapa-intindi sa mga bata ang tungkol sa panganib na maaaring idulot ng pagpapakagat sa gagamba.
"These black spiders with red backs are black widows. They do not cause anyone to become Spider-Man—on the contrary, they are putting lives at risk," sabi ni Vásquez.
