Kumpirmadong "dating" ang relationship status ng BLACKPINK member na si Jisoo, 28, at K-drama actor na si Ahn Bo Hyun, 35.
Mismong ang kinabibilangang agencies ni Jisoo na YG Entertainment at ni Bo Hyun na FN Entertainment ang nagkumpirma nito sa publiko ngayong Huwebes, August 3, 2023.
Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero
Ayon sa ulat ng Korean online news site na Soompi, ang pag-amin ng talent agencies ng dalawa ay nangyari matapos maaktuhan ng Korean news outlet na Dispatch si Bo Hyun na nasa apartment ni Jisoo sa Yongsan, South Korea.
Dito rin ibinuking ng Dispatch na simula pa noong May 2023 nang mapag-alaman nilang nagde-date ang dalawa.
Nakuhanan pa ito ng mga larawan, kung saan makikita na tila nasa parking lot ang dalawa.
Nakasuot ng black pullover sweater at pants si Jisoo, habang si Bo Hyun naman ay nakasuot ng blue shirt, nakasumbrero, sunglasses, at may buhat-buhat na mga gamit na pinaghihinalaang kay Jisoo.

"They are getting to know each other with positive feelings.
"We would be thankful if you look upon them with warmth," saad ng YG Enteraiment.
Dagdag naman ng FN Entertainment, "Ahn Bo Hyun and Jisoo are in the stages of getting to know each other with good feelings.
"We hope you look over them warmly."
Read: BTS V, BLACKPINK Jennie allegedly spotted holding hands while walking in Paris
Si Bo Hyun ay nakilala sa mga role na ginampanan niya sa K-drama series naYumi’s Cells (2021), Itaewon Class (2020), Military Prosecutor Doberman, (2022), at See You in My 19th Life (2023).
Habang si Jisoo ay nag-debut noong 2016 bilang isa sa miyembro ng South Korean supergroup na BLACKPINK.
Bukod sa pagiging singer-dancer, pinasok na rin ni Jisoo ang acting matapos niyang lumabas sa 2015 series na The Producers. 2021 naman nang makuha niya ang kanyang first lead role sa K-drama series na Snowdrop.
READ MORE:
- MTRCB Chair Lala Sotto affirms decision imposing violations against 'It's Showtime': "Magalit na kung sino man ang magagalit."
- MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”
- MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
