Pumayag ang labor authorities na mabayaran ang isang gay man matapos siyang i-out ng kanyang boss sa mga katrabaho.
Dahil sa nangyari, dumanas daw ng mental condition ang gay man na isang Japanese.
Sabi ng 24 anyos na lalaki, “I couldn’t trust anybody anymore [after being outed]. I had to come forward to make it right.”
Noong March 2022, tinanggap ng isang labor standards inspection office sa Ikebukuro district sa Tokyo ang claim for worker’s compensation na isinumite ng gay man noong April 2021.
Ito marahil ang kauna-unahang kaso sa Japan kung saan ang isang empleyado ay binayaran matapos siyang i-out, ayon sa POSSE, isang nonprofit organization sa Japan na tumatalakay sa labor issues.
Kasama ng gay man ang POSSE na humarap sa isang news conference sa Tokyo nitong Martes, July 25, 2023.
Read:
- Kilalanin ang interpreter sa Japan na pinaglaanan ng oras ni Tom Cruise
- Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work
BEING OUTED IN THE WORKPLACE
Natanggap bilang isang agent sa life insurance company ang gay man noong 2019.
Sa simula pa lamang, ipinaalam na niya sa kanyang supervisor na isa siyang gay, at inilagay niya sa emergency contact ang pangalan ng kanyang partner.
Sinabi rin niya sa kanyang boss na maglaladlad siya sa kanyang mga katrabaho kung kinakailangan lamang.
Subalit ibinisto ng boss sa kanyang sexual preference nang walang permiso.
Sinabi ng employee na nakaramdam siya ng “total panic,” at napahagulgol dahil sa biglang pag-out sa kanya.
Sa hiwalay na insidente, sinabi rin niyang nakaranas din siya ng verbal abuse mula sa kanyang boss.
Humingi ang kumpanya ng sorry sa empleyado, na nagbitiw sa trabaho noong October 2020.
Hindi naman inilantad kung magkano ang compensation na natanggap niya.
