Mala-pelikula ang ginawang pagliligtas ng isang tatay sa sanggol na naiwan niya sa loob ng kotse.
Oras ang kalaban niya dahil mabilis ang posibleng maging epekto ng init sa sanggol.
May matinding heat wave kasi na nananalasa ngayon sa U.S., at tumataas rin ang kaso ng mga batang namamatay dahil naiiwan sa loob ng kotse.
Ang ginawa ng tatay: binasag ang windshield.
Read: Viral sa TikTok na lola, 97, may makulay na kuwento
Viral ngayon ang TikTok video na kinunan noong nakaraang linggo sa Southern Texas sa U.S.
Na-pick up din ng international news outlets at social media ang pangyayari.
Makikita sa video na pinaligiran ng mga tao ang isang grey SUV sa isang car park ng isang grocery store.
Tumulong din ang isang lalaking naka-black T-shirt at cap sa pagbasag ng windshield gamit ang martilyo.
Pansin din ang pag-aalala ng mga tao sa paligid.
Makalipas ang ilang saglit, makikitang may pumasok sa loob ng kotse sa pamamagitan ng binasag na windshield. Maya-maya, lumabas ito kasama ang umiiyak na sanggol.
Kinuha naman ng ama, ang lalaking nakaputing T-shirt, ang sanggol.
Napag-alaman sa ulat ng CNN na aksidenteng naiwan ng ama ang susi sa loob ng kotse, kung saan naiwan din ang sanggol.
Ang pumasok sa nabasag na windshield ng kotse ay ang ina ng sanggol.
Matapos ang insidente ay dumating ang rescuers, at nakita nilang ligtas na ang sanggol.
Hindi naman sinampahan ng reklamo ang mga magulang.
Read: Bye-bye Blue Bird: Twitter’s logo replaced by X
Iniulat ng Fox News ang insidente at binanggit na crucial ang pagmamadali ng mga magulang na iligtas ang kanilang sanggol.
May 14 cases ng mga batang namatay dahil naiwan sa loob ng kotse.
Nagpaalala rin ang mga opisyal na ilang minuto lamang pagkalabas ng kotse ay mabilis na aakyat ang temperature.
Halimbawa, ang 30-degree Celsius sa loob ng kotse ay aakyat agad sa 50-degree Celsius makalipas lamang ang 10 minuto, kaya delikado talaga para sa bata kung maiwan ito sa loob ng kotse.
Sa Tennessee, mayroon silang kampanyang car hang tags na ipinamimigay sa mga motorista.
Isinasabit ang tags na ito sa kanilang rear view mirrors para magsilbing reminder na i-check ang kanilang backseat bago lumabas ng kotse.
Binanggit sa report na may mga taong nakakalimot nna may kasama pala silang sanggol dahil sa pagiging abala o pagod.

Ang viral video ng batang iniligtas ay mayroon nang 6.8 million views.
Sa comments section, marami ang nagkomento na delikado nga ang maiwan sa loob ng kotse dahil sa brutal heat wave na nararanasan ngayon sa Texas.
May isa namang hindi makapaniwala na makakalimutan ang sanggol sa kotse.



