“It’s the end of an era,” comment ito ng ilang netizens kasunod ng pagbabago ng logo ng tanyag na social media app na Twitter.
Ang tanyag na blue bird logo ng Twitter ay pinalitan ng capital letter na “X” na may itim na background.
Inanunsiyo ng business tycoon na si Elon Musk, owner ng Twitter, at ng chief executive officer nito na si Linda Yaccarino ang pagbabagong-anyo ng logo ng social media app nitong Lunes, July 24, 2023.
Ginamit na rin nina Musk at Yaccarino ang X logo sa kanilang Twitter handle.
Nabanggit na ni Musk nitong weekend na nais niyang palitan ang Twitter logo.
Nagpa-survey pa siya sa milyun-milyon niyang followers kung papaboran nila ang pagpapalit ng kulay ng Twitter from blue to yellow.
Si Yaccarino ay namuno bilang Twitter CEO noong June 5 sa hangaring pataasin ang bumabang revenue ng Twitter.
Kung ita-type ang X.com, mari-redirect ang netizen sa Twitter site, pero existing pa rin ang Twitter.com.
Ayon kay Yaccarino, ang rebranding ay bahagi ng effort ng kilalang social media app na maging “everything” para sa netizens, kumbaga, one-stop shop sa Internet user.
Sabi niya, "X is the future state of unlimited interactivity—centered in audio, video, messaging, payments/banking—creating a global marketplace for ideas, goods, services and opportunities.
"Powered by A.I., X will connect us all in ways we're just beginning to imagine."
Binili ng billionaire na si Musk ang Twitter sa halagang $44 billion noong 2022.
Read: Security guard’s son graduates valedictorian from maritime academy: "Ma, Pa, I made it."
KAHULUGAN NG LETTER ‘X’
Ulat ng CBS News, lumalabas na importante para kay Musk ang letter X.
Matatandaang ang kanyang unang start-up business—na isang online bank—ay X.com. Naging PayPal ito nang makipag-merge ito sa isang American software company.
Familiar din ang letter X sa iba pang negosyo ni Musk, tulad ng space exploration venture na SpaceX.
Model X ang ipinangalan sa isang earliest models ng Tesla Inc., isang multinational automotive company na pagmamay-ari ni Musk.
Nagtayo rin kamakailan si Musk ng artificial-intelligence app na ang pangalan ay xAI.
Sa ngayon, ang rebranding ng twitter ay name change lamang at wala pang bagong features.
Pero inaasahang isa lamang ito mga strategies ni Elon, at marami pang pagbabago ang ilulunsad sa hinaharap.
Read: Rider in Davao City arrested for Superman stunts on the road
NETIZENS REACT
Samantala, lumalabas hindi positibo para sa maraming maraming netizens ang pagpapalit ng logo.
Maraming beses ginamit ang “end of an era” tag sa pagpapalit ng logo.
Gumamit din ng illustrations ang netizens na nagpapakita kung bakit pinalitan ni Elon ang tanyag na blue bird logo, at marami rito ay negatibo ang connotation.
Narito ang ilang screenshots ng kanilang tweets.





