Laman ng mga balita ang tungkol sa isang Korean guy na binuksan ang kaliwang emergency exit door ng isang eroplano habang nasa himpapawid ito ng South Korea noong May 26, 2023.
Ang eroplano ay isang Airbus A321 ng Asiana Airlines, sakay ang mga pasahero mula sa Jeju Island patungong Daegu, na nasa southern part ng South Korea.
Nasa 200 katao ang sakay ng eroplano kung saan 194 dito ay passengers.
Nagulantang ang mga pasahero sa pangyayari habang sila ay tinatayang 600-700 feet above the ground, two to three minutes before landing.
Read:
- Story behind 3-month-old pony running along NLEX
- LTO mahigpit ipinagbabawal ang baklas-plaka sa mga mahuhuling sasakyan
OPENED UNEXPECTEDLY
Bagamat pa-landing na ang eroplano, mataas pa rin ang puwesto nito sa himpapawid.
In short, dapat ay naka-seatbelt pa ang mga pasahero lalo pa't hindi pa nag-land ang eroplano sa destination airport.
Pero biglang may nagbukas ng emergency exit door sa gilid ng eroplano.
Kitang-kita sa videos na ipinost sa social media ang mahigpit na kapit ng mga tao sa kanilang mga upuan, at dinig ang malakas na hampas ng hangin na pumapasok sa loob ng cabin.
Ilan sa mga pasahero ang na-ospital dahil sa nose bleeding, severe ear pains, at breathing difficulties, at nag-suffer ng neck pains.
SOUTH KOREAN MAN QUESTIONED
Paglapag ng eroplano sa Daegu, inaresto ng mga pulis ang taong lumikha ng komosyon sa eroplano.
Base sa isinagawang preliminary questioning at investigation, ang suspek ay 33 anyos na Koreano.
Hindi man binanggit ang kanyang full name, tinukoy na ang kanyang last name ay Lee.
Paliwanag niya, nakaramdam siya ng suffocation, at gusto niyang makalabas agad ng eroplano.
May pinagdaraanan din daw ang lalaki dahil natanggal siya sa trabaho.
Ayon naman sa globalnews.cb, sinabi ng Daegu pulis na mayroon silang 20-day period para imbestigahan ang suspek.
Pagkatapos ay saka lang nila malalaman kung ano ang magiging desisyon para sa ginawa nitong offense.
Ang reklamong maaaring isampa sa suspek ay paglabag sa Aviation Security Act, na nagpapataw ng parusang pagkakakulong na aabot ng hanggang 10 taon.
Nakasaad sa Aviation Security Act ang mahigpit na pagbabawal sa mga pasahero na hawakan ang emergency exit doors, entry doors, at iba pang mga kagamitan on board.
Galit at inis naman ang buwelta ng netizens kay Lee dahil sa aberyang idinulot nito.
NO SIGNS OF TROUBLE
Ayon sa reports, hindi raw sukat akalain ng ibang pasahero at airline crew na gagawa ng problema ang taong nagbukas ng pinto.
Mabilis daw ang mga pangyayari.
Habang papa-landing ang eroplano, agad daw itong lumapit sa pintuan, hinila ang lever, bumukas ang pinto, at bumulaga ang humahagupit na hangin papasok sa eroplano.
Sa ulat ng CNN, sinabi ni aviation expert Geoffrey Thomas ng Airline Ratings na “very bizarre” ang insidente.
Sabi ni Thomas sa CNN, “Technically, it’s not possible to open those doors in flight.”
Sabi ng aviation expert, ang landing speed ng isang A321 ay tinatayang 150 knots (172 mph), na nangangahulugang malakas na hangin ang pumapalibot sa eroplano.
Ani Thomas, “It seems implausible that the door could be opened in the first place and then against the airstream. Technically impossible, but somehow or another, it has happened.”
May paliwanag naman dito ang Asiana Airlines.
Statement nito sa CNN: “The airplane is automatically set to adjust the pressure of the cabin according to the altitude of the aircraft.
“When the aircraft is high up in the air, it is impossible to open the door, but when the altitude is low and close to landing, the door can be opened.”