Maraming katanungan sa pagpanaw ng isang 18-year-old male Taiwanese high school student na nagmana ng property portfolio na nagkakahalaga ng NT$500 million (PHP907.69 milyon).
Ang kanyang pagkamatay ay ibinunyag sa Taiwanese media noong May 19, 2023 nang magdaos ng press conference ang kanyang ina, kasama ang abogado nito, sa Taichung City sa central Taiwan.
Ang surname ng nanay ay Chen, at isa siyang Chinese national.
Ang surname naman ng biktima ay Lai.

Read also: 42-year-old lady, sinabihang "old" ng Tinder date
Natagpuan ang bangkay ni Lai sa ibaba ng isang residential building noong May 4.
Halos magkasunod lang ang pagkamatay niya at ng kanyang ama na pumanaw noong April 27.
BIGLAANG PAGPAPAKASAL NI LAI BAGO NAMATAY
Isang araw nago natagpuaang patay si Lai, inilagak ng kanyang ina ang mga abo ng kanyang ama sa isang columbarium.
Hindi nakasama ang binata dahil kinailangan niyang makipagkita sa escrow agent na may surname na Hsia, 26, na siyang namamahala ng mga properties na mamanahin niya.
Mapilit diumano ang agent sa kanyang imbitasyon kay Lai, na dumating sa tahanan ng una bandang 7:00 a.m., ayon kay Chen.
Bandang hapon ay hinanap na ni Chen si Lai, pero ipinagbigay-alam sa kanya ng pulisya na namatay ang kanyang anak matapos mahulog mula sa 10th floor ng isang building sa Beitun district.
Napag-alamang sa naturang floor nakatira si Hsia.
Read also: Female acrobat, nasawi matapos malaglag during aerial performance
Ang lalong ikinahambal ni Chen ay nang malamang nagpakasal si Lai kay Hsia.
“Legally registered” ang marriage sa pagitan ng dalawa, at naganap ang kasal dalawang oras bago namatay si Lai.
Noong 2019, ang Taiwan ang naging first territory sa Asia na ginawang legal ang same-sex marriage.
Sinabi ng lawyer ni Chen sa media na naniniwala ang pamilya ni Lai na pinatay ito dahil sa kanyang mana.
Tinagurian si Lai bilang “NT$500 million high schooler” dahil sa kanyang mamanahin na halos 30 properties.
Read also: Parrot na nawawala, naibalik sa owner dahil marunong magsalita
MGA SAKSI SA KASAL
Nung araw na ikinasal sina Lai at Hsia, napag-alamang dalawa ang kanilang naging witnesses, na napag-alamang nakita lang ng escrow agent sa isang convenience store sa labas ng Household Registration Office, ayon sa ulat ng The Liberty Times.
Required kasi na may dalawang witness para maiparehistro ang kasal.
Ayon sa mga naging witness, hindi nila kilala ang dalawang nagpakasal.
Pumayag lang umano sila dahil sa pakiusap ni Hsia na tulungan sila ni Lai na magpakasal dahil tutol ang kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang same-sex union.
Read also: Larawan ng Pangulo at First Lady ng South Korea, ginawang target ng pana sa isang rally
HINDI BAKLA, HINDI NAG-SUICIDE SI LAI
Sinabi pa ni Chen sa media na hindi niya matatanggap na nag-suicide ang kanyang masunurin na anak.
Kakukuha pa lang daw nito ng motorcycle license at bagong scooter na gagamitin sana kapag ipapasyal ang ina.
Itinanggi rin ni Chen na bakla si Lai.
Nanligaw aniya ito sa isang kaklaseng babae, pero nabasted.
Read also: Married "uncle" nagladlad sa edad na 38; happy siya sa kanyang boylet
Dalawang beses rin lang daw na-meet ni Lai si Hsia.
Ang unang pagkakataong nagkita ang dalawa ay nang pumanaw ang ama ni Lai, at dumalaw sa lamay si Hsia.
Matagal nang magkakilala ang ama ni Lai at si Hsia, na escrow agent at may hawak ng title deeds ng real estate ng una.
Pamilyar si Hsia sa halaga ng mga properties, na ayon sa abogado ni Chen ay puro lupain.
Read also: Estudyanteng gutom na, kinain ang saging artwork worth PHP6M
CLAIM NI HSIA: ONE-SIDED SI CHEN
Last May 20 ay nagsalita rin si Hsia sa harap ng Taiwanese media.
Aniya, ang pahayag ni Chen ay “one-sided,” at hindi iyon ang kabuuang senaryo.
Sa payo ng kanyang abogado ay walang iba pang detalye na ibinigay si Hsia.
Pero binanggit sa report ng The Straits Times ang unang paliwanang ni Hsia kay Chen. Kondisyon daw ng nakatatandang Chen ang pagpapakasal para makuha ang mana.
Ang ama ni Lai ay may anim na anak—tatlo rito ay lalaki. Ibibigay daw ang mana sa unang magpapakasal.
Pinabulaanan ni Chen ang kondisyon na ito.
Sinabi naman ng Taichung district prosecutors na kinuwestiyon na si Hsia noong May 5 tungkol sa pagiging suspek niya sa homicide. Pinayagan rin daw itong magpiyansa at pansamantalang makalaya.
Tinanong din ng mga imbestigador ng city prosecutors’ office noong May 20 si Hsia at ang kanyang ama sa loob ng limang oras, ayon sa ulat ng Taiwanese media.
Read also: Miss Belgium 2022, nakaligtas sa car accident. “A moment when everything is taken away from you.”
Kasama sa mga tanong ay, “Did you love him?” Patungkol ito kay Lai at sa biglaan nilang pagpapakasal. Tinanong din siya tungkol sa paghingi ng tawad sa pamilya ng nasawi.
Walang naging kasagutan si Hsia.
Hindi rin inilabas ang mga detalye ng imbestigasyon.
Ayon naman sa chief prosecutor ng Taichung, nakasama lang ang ama ni Hsia sa imbestigasyon bilang witness.
Noong May 9, inihahanda na ang autopsy report, habang tuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso.
Read also: Gibbon sa Japanese zoo, nagbuntis at nanganak kahit solo sa cage; sino ang ama?
NILASON, HINDI NAHULOG MULA SA 10TH FLOOR SI LAI?
Noong May 22, sa imbestigasyon ng legal team ni Chen, in-autopsy ng kilalang Taiwanese forensic expert na si Kao Ta-cheng ang katawan ni Lai, at ang lugar kung saan ito natagpuang patay.
Sinabi ng forensic expert sa media na ang mga injuries ni Lai ay nagpapakitang hindi ito nahulog mula sa 10th floor.
Wala umanong pagdurugo sa ulo o abdominal cavities, at nabali lang ang kanang siko nito.
“Normally, injuries caused by falling [from a building’s 10th floor] could not be so slight,” ayon kay Dr. Kao.
Hinala ng forensic expert ay nilason si Lai bago ito nahulog.
Itinuro rin nito ang damuhan kung saan sumuka ang biktima.
Read also: “Oldest known condom in existence” nahukay sa tomb ng hari ng Egypt
"COMPLICATED" ANG PAMILYA NI LAI
Samantala, lumutang ang ilang detalye tungkol sa kumplikadong pamilya ni Lai.
Iniulat ng United Daily News ng Taiwan na dumating si Chen sa naturang bansa noong 2002 para sa isang arranged marriage sa isang lalaking physically disabled.
Matapos pumanaw ang mister noong 2008, nagkaroon si Chen ng anak na lalaki.
Ang ama ng bata ay ang father-in-law ni Chen: ang nakatatandang Lai.
Read also: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M

Legal na inampon ng father-in-law ni Chen ang biological son na si Lai para maging maayos ang pagsasalin ng mana.
Sa ngayon, ayon sa legal team ni Chen, ginagawa nila lahat ng paraan para hindi mapunta kay Hsia ang mana ni Lai.
Plano rin nilang ipawalang-bisa ang kasal ng dalawa.
Inaayos din ang residency status ni Chen sa Taiwan.
Read also: Art piece worth PHP2.3M, aksidenteng nabasag ng isang ale sa exhibit
