Sumapit na ang pinaka-aabangang araw ng koronasyon ni King Charles III at asawa nitong si Queen Consort Camilla.
Ngayong Sabado, May 6, 2023, ang araw ng kanilang koronasyon bilang bagong hari at reyna ng Britanya.

Naganap ang makasaysayang coronation ceremony sa Westminster Abbey sa United Kingdom.

Ito ang pinakaunang British coronation magmula noong 1953 o matapos ang pitumpung (70) taon.
Si King Charles III ang ika-apatnapu (40) na monarkiyang kinoronahan sa Westminster Abbey, sa edad na 74.
Siya rin ang itinuturing na oldest monarch na nagsuot ng 360-year-old St. Edward’s Crown.
Naging hari siya ng Britain matapos niyang palitan sa trono ang namayapa niyang ina na si Queen Elizabeth II.
Read: Queen Elizabeth II dies at 96
Pitumpung taong naupo sa trono si dating Queen Elizabeth II na siya ring itinuturing na Britain's longest-reigning monarch.
Read: Queen Elizabeth II, pumanaw 17 months pagkatapos yumao ni Prince Philip
Dumalo rin sa seremonya ang tagapagmana ni King Charles III na si Prince William, kasama ang asawa nitong si Kate Middleton, at ang tatlo nilang anak na sina Prince George, 9, Princess Charlotte, 7, at Prince Louis, 4.
Read: King Charles announces William and Kate the new Prince and Princess of Wales
Si Prince William ang isa sa anak ni King Charles III sa una niyang asawa na si Princess Diana. Bukod kay Prince William may isa pa silang anak na lalaki—si Prince Harry.
Read: Prince Harry, Meghan Markle "step back" as senior members of Royal Family
Noong 1997 pumanaw si Princess Diana dahil sa isang car accident.
Read: Prince William remembers his late mother Princess Diana: "I still miss my mother every day."
Matatandaang ikinasal sina Charles at Camilla noong 2005.
Read: Prince William, Kate, Harry, Meghan together on Windsor Castle walkabout
Samantala, bago ang royal coronation ay nakadaupang palad pa ni Philippine President Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta si King Charles III sa Buckingham Palace.
Kabilang si Pangulong Marcos sa mahigit 2,000 na inimbitahan sa koronasyon ng hari ng UK kasama ang mga lider ng iba’t ibang bansa at mga miyembro ng Royal family mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Read: Prince Charles tests positive for COVID-19; whisks wife away to Scotland
