Ang Oscar winners na sina Viola Davis at Reese Witherspoon ang dalawa sa Hollywood stars na nagpahayag ng kalungkutan sa pagkawala ni Raquel Welch, ang international sex symbol noong dekada ’60, ’70 at ’80.
Pumanaw si Raquel noong Miyerkules, February 15, 2023.
Siya ay 82.
Mensahe ni Viola: “It was such a pleasure to meet you! You were ageless to me…iconic… Rest well Raquel Welch!!”
Reaksiyon naman ni Reese: "So sad to hear about Raquel Welch's passing. I loved working with her on Legally Blonde. She was elegant, professional and glamorous beyond belief. Simply stunning. May all her angels carry her home."
Nakatrabaho ni Reese si Raquel sa Legally Blonde, ang blockbuster movie na ipinalabas noong 2001.
Si Raquel ang humalili kay Marilyn Monroe — na sumakabilang-buhay noong August 4, 1962 — bilang international sex symbol.
Napukaw ni Raquel ang interes ng publiko dahil kahit tatlo lamang ang dialogue niya sa One Million Years BC, ang adventure fantasy movie na ipinalabas sa mga sinehan noong December 1966, nagmarka nang husto sa mga tao ang kanyang iconic deerskin bikini costume.

May asawa at dalawang anak na ang Bolivian-American actress nang mag-artista siya. Sa kabila ng pagiging ina, kinilala siya noong sex symbol.
Jo Raquel Tejada ang tunay na pangalan ni Raquel, na isinilang noong September 5, 1940.
Nagpakasal siya sa kanyang high school boyfriend na si James Welch noong May 8, 1959.
Biniyayaan ng dalawang anak ang pagmamahalan nina Raquel at James — sina Damon na isinilang noong November 6, 1959, at si Latanne na ipinanganak noong December 26, 1961.
Naghiwalay sina James at Raquel noong 1962 at nagdiborsyo noong 1964.
Pero ginamit pa rin ng aktres ang apelyido ng kanyang dating asawa hanggang sa huling sandali ng buhay niya.
Tumagal ng limang dekada ang showbiz career ni Raquel.
Nakagawa siya ng tatlumpong pelikula at limampung television series.
Nanalo siyang best actress sa 32nd Golden Globe Awards noong January 25, 1975 dahil sa karakter na ginampanan niya sa The Three Musketeers.
Sa isang interbyu, sinabi ni Raquel na isang malaking responsibilidad na maging sex symbol.
Pahayag niya, “Being a sex symbol was a tremendous responsibility and a constant battle. It used to bother me at first, but I now know you can have that and be respected as well. You can have both.”