PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Member of Wild Boars football team rescued from Thai cave dies in UK

Duangpetch “Dom” Promthep dies at 17.
by Jojo Gabinete
Published Feb 16, 2023
Duangphet Promthep dies
Duangpetch “Dom” Promthep, one of the members of the Wild Boars footaball team rescued from Thai cave in 2018, dies in United Kingdom. He was 17.
PHOTO/S: Facebook / @dom.003 on Instagram

Pumanaw na si Duangpetch “Dom” Promthep, isa sa labindalawang (12) kabataang lalakeng miyembro ng Wild Boars football team na iniligtas mula sa kuweba ng Tham Luang sa lalawigan ng Chiang Rai sa Thailand noong June 23, 2018.

Read: Buong mundo, nakatutok sa Thailand cave rescue operation

Natagpuan si Dom na walang malay sa dormitoryo na tinutuluyan niya sa Leicestershire, United Kingdom, noong Linggo, February 12, 2023.

Dinala siya sa Kettering General Hospital at dito siya binawian ng buhay noong Martes, February 14.

Si Dom ay pumanaw sa edad na 17.

Namamalagi si Dom sa United Kingdom dahil nabigyan siya ng scholarship sa Brooke House College Football Academy sa Market Harborough.

"Today my dream has come true," social media post ni Dom nang matanggap niya ang magandang balitang pinagkalooban siya ng scholarship sa nabanggit na bansa na ipinagbunyi ng Wild Boars noong August 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Dom ang kapitan ng Wild Boars at labintatlong (13) taong gulang siya nang makulong sila ng kanyang mga kasama sa kuweba na binaha ng tubig sa loob ng mahigit dalawang linggo.

Ang nakangiting mukha ni Dom na nahuli ng liwanag ng sulo na dala ng rescue team na nakunan ng video ang isa sa mga hindi makalilimutang imahe mula sa dramatikong pagliligtas sa kanila ng tinutukan at sinubaybayan ng buong mundo.

Itinuring na mga bayani ang mga miyembro ng Wild Boars dahil sa kagitingang ipinamalas ng mga kabataan na may edad na labing-isa hanggang labing-anim.

Read: Thailand cave rescue: 12 batang soccer players na nailigtas, imbitado sa World Cup final

Isinalin sa libro at pelikula ang kuwento ng pagliligtas sa kanila, samantalang isang miniseries na may anim na kabanata na may pamagat na Thai Cave Rescue ang inilabas ng Netflix.

Ang young Thai actor na si Thanapong Kanthawong ang nagbigay-buhay sa karakter ni Dom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Headline ngayon sa buong mundo ang pagkamatay ni Dom tulad ng massive international search operation sa kanila noong June at July 2018.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Duangpetch “Dom” Promthep, one of the members of the Wild Boars footaball team rescued from Thai cave in 2018, dies in United Kingdom. He was 17.
PHOTO/S: Facebook / @dom.003 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results