Sinentensiyahang makulong ng 10 years ang engaged couple na parehong Instagram influencers: ang Iranians na sina Astiazh Haqiqi, 21, at Amir Mohammad Ahmadi, 22.
Ano ang kanilang ginawa? Nag-post sila ng dancing video noong October 26, 2022 sa kanilang Instagram accounts na may combined followers na halos two million. Nag-viral ang video.
Ibinaba ang sentensiya ilang araw bago ang pinaka-aabangang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, February 14, 2023.
Ayon sa activist group na Human Rights Activists News Agency (HRANA) sa pamamagitan ng CNN, sila ay kinasuhan for ““spreading corruption and vice,” and “assembly and collusion with the intention of disrupting national security.”
Dugtong ng Mizan media na pro-Iranian judiciary, hindi raw ang pagsasayaw ang ipinagbabawal kundi ang paghihimok ng magkasintahan sa publiko “to assemble and inviting them to riot in an Instagram post.”
Sa nasabing video ay makikitang nagsasayaw ang couple sa Azadi Tower o Freedom Tower sa Tehran, ang capital city ng Iran.
Bagamat mariing itinanggi ng dalawa na may kaugnayan ang kanilang pagsasayaw sa ongoing anti-government protests, hindi ito kinatigan ng korte na inakusahan sila na “promoting corruption and prostitution, colluding against national security, and propaganda against the establishment.”
Binigyan din ng two-year ban sina Ms. Haqiqi at Mr. Ahmadi sa paggamit ng social media.
Sila ay naaresto noong November 1, 2022, matapos i-raid ang kanilang tahanan.

Si Ms. Haqiqi, isang fashion designer, ay unang inilagak sa Evin Prison Ward 209, na “notorious for the use of torture” sa mga “political prisoners."
Kalaunan, siya ay dinala sa Qarchak women’s prison.
Wala namang impormasyon kung saan nakakulong ang kanyang fiancé.
Ayon sa HRANA, may reliable sources silang malapit sa pamilya ng magkasintahan na nagsasabing, “they had been deprived of lawyers during the court proceedings, and attempts to secure their release on bail had been rejected.”
Pero bakit inaresto ang couple at pinatawan ng mabibigat na kaso sa simpleng sayaw?
DANCING FOR FREEDOM
Ang pagsasayaw ay itinuturing na “illegal” at “indecent” sa bansang Iran.
Isa ito sa mga popular na mukha ng protesta ng Iranian people simula nang muling sumiklab ang gulo laban sa kanilang gobyerno noong September 2022, bunsod ng pagkamatay ni 22-year-old Mahsa Amini habang nasa police custody.
Si Amini ay naaresto dahil sa hindi pagsusuot ng hijab—na diumano'y "breach of the Islamic republic's strict clothing rules for women."
Ito ang nagbunsod sa mga malawakang protesta kung saan maraming kababaihan ang nagtanggal ng kanilang hijab, at ang iba'y nagpaputol ng buhok, ayon sa ulat ng CNN.
Kabilang sa mga protesta ang underground rave parties.
Marami ring Iranians ang dismayado sa “poverty, unemployment, inequality, injustice and corruption.”
Hindi ito pinapayagan ng gobyerno kaya libu-libo na ang naaresto, namatay, at nasugatan sa mga protesta.
May apat ding nahatulan ng parusang kamatayan simula noong December.
Sa isang BBC report kamakailan, ipinaliwanag ng ilang Iranian DJs na ang pagsayaw, partikular sa modern at Western-style music, “had become an act of protest against the regime in and of itself.”