Ikinasal na ang Korean superstar na si Song Joong Ki, 37, sa kanyang British girlfriend na si Katy Louise Saunders, 38.
Si Song Joong Ki mismo ang nagkumpirma nito sa kanyang open letter ngayong Lunes, January 30, 2023.
Ipinarehistro raw nila ang kanilang kasal ngayong araw ring ito.
"Hello, this is Joong Ki. I wanted to share the happiest and most important promise in my life with you all.
"I have promised Katy Louise Saunders, who has been supporting me and sharing time together, to spend the rest of my life together," pagtatapat ni Song Joong Ki, ayon sa English translation ng allkpop.com.
Paglalarawan pa niya sa kanyang kabiyak: "She has a kind heart and she has led a passionate life. She is a wise and amazing person, who I admire.
"Thanks to her, I'm becoming a better person."
Pero hindi rito natatapos ang pasabog na balita ni Song Joong Ki. Inamin din niyang buntis si Louise.
Ang rebelasyon ni Song Joong Ki: "Naturally, we both wanted to make a happy family. We have been trying hard to keep each other's promise and gratefully, we have welcomed a precious life between the two of us.
"So today, we have registered our marriage as a couple, based on our deepest love and trust."
Noon lamang December 26, 2022 isinapubliko ni Song Joong Ki ang tungkol sa pagkakaroon niya ng bagong karelasyon.
Ito ay sa gitna ng mga naglabasang balita na may ipinakilala siyang nobya niya sa ilang katrabaho. Nangyari iyon nang magtungo siya ng Singapore noong early December para i-promote ang series na Reborn Rich.
Mabilis na natunton ng netizens na ang nobya ni Song Joong Ki ay si Louise dahil sa kumalat nilang litrato sa social media.
Si Louise ay natukoy na dating British actress na napanood sa mga pelikulang The Lizzie McGuire Movie (2003), Los Borgia (2006), at Third Person (2013).
Balik sa open letter ni Song Joong Ki, siniguro niyang mas lalo siyang ganado na pagbutihin ang pagiging aktor para sa kanyang pamilya.
Aniya: "We will continue walking our path looking in the same direction. Thank you to all the fans who have been sending unchanging support from the bottom of my heart.
"Especially, I will put even more passion and responsibility into becoming a better actor and person as your wish and support throughout my acting career."
Ayon sa kinabibilangang agency ni Song Joong Ki na High Zium Studio, magkakaroon ng hiwalay na wedding ceremony pero hindi pa ito napagdedesisyunan.
Bilang mag-asawa, maninirahan daw sina Song Joong Ki at Louise sa South Korea at sa United Kingdom.
Ang first wife ni Song Joong Ki ay ang Korean superstar ding si Song Hye Kyo.
Sumikat ang kanilang tambalan nang magkatambal sila sa hit K-drama na Descendants of The Sun noong February to April 2016.
Sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo ay ikinasal noong October 31, 2017, pero got nag-divorce sila noong July 22, 2019.
