Trigger warning: depression, suicide
Ang Nandito Ako, ang mini-series ng TV5 noong 2012, ang isa sa mga huling proyekto ng American Idol Season 7 alumnus na si David Archuleta bago siya nagsilbi ng dalawang taon bilang Mormon missionary ng simbahan na kinaaniban nila ng kanyang pamilya—ang The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
Noong nakaraang taon, June 2021, inamin ni David na miyembro siya ng LGBTQ+ community.
Read: American Idol alumnus David Archuleta umaming miyembro ng LGBTQIA+ community
Nagkaroon ito ng conflict sa kanyang relihiyon na tinalikuran niya para sa katinuan ng sariling isip.
"It hurts me because my religion was everything for me. But you get to a point where you realize there are some things not right here.
"I need to just live my life, because I already know I'm okay how I am," rebelasyon ng 31-year-old American singer sa bagong panayam sa kanya ng People magazine tungkol sa desisyon niyang umatras bilang dating tapat na miyembro ng Mormon Church.
Minsan nang pumasok sa isip ni David na wakasan ang sariling buhay dahil sa kanyang akalang labag sa doktrina ng relihiyon niya ang pagiging bakla.
Pag-amin niya: "I thought it would be a better choice to just end my life. You just start feeling like, 'Oh, there's probably no point for me to live. I probably would be better off not living anyway.’
“God would probably forgive me if I ended my life because it's better than what I could become, which is if ‘I'm gay or LGBT of any sorts, I'm going to be in big trouble spiritually.'"
Kasunod nito ay ipinaliwanag ni David na natanggap niya ang kanyang pagkatao dahil sa pagdarasal sa Diyos at pakikipag-usap sa mga lider ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints tungkol sa pananaw ng Mormons sa LGBTQ community.
Malaya na ngayon ang pakiramdam ni David at hindi na nito inililihim ang pakikipag-date sa kapwa lalake, matapos makipagrelasyon sa mga babae.
Pagtatapat niya sa hiwalay na interbyu ng Advocate Channel: “Literally, my purpose before was building up the kingdom of God and the greatest way to do that was to marry a woman and have children.
“That was my ultimate goal for the first thirty years of my life. Now I have to decide what is what it is as a queer.
“I’ve been engaged three times. I bought three wedding rings for girls but it felt dishonest and they knew it.
“They could tell like I was not being fully honest with them.”
Napamahal sa mga Pilipino si David dahil sa maraming beses na pagtatanghal niya sa ating bansa at pagganap na Filipino-American singer sa mini-series noon ng TV5.
Ang depresyon ay seryosong usapin.
May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon.
Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.
Maaari silang tawagan sa mga sumusunod na 24/7 hotline:
0917 899 8727 (USAP); at 989 8727 (USAP)