PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Song Joong Ki and Kim Tae Ri dating is fake news — agencies

"Completely untrue."
by Bernie V. Franco
Published Oct 29, 2022
song joong ki and kim tae ri dating
"COMPLETELY FALSE." This is the reaction of the respective agencies of Song Joong Ki (left) and Kim Tae Ri following claims that the two South Korean stars are dating.
PHOTO/S: Netflix Korea

Walang katotohanan na idine-date ngayon ng South Korean superstar Song Joong Ki, 37, ang fellow actor nitong si Kim Tae Ri, 32.

Ito ang nilinaw ng kani-kaniyang talent agency ng dalawang Korean celebrities.

Sina Joong Ki at Tae Ri ay nagkatrabaho sa pelikulang Space Sweepers noong nakaraang taon.

Bunsod nito ay nali-link sila sa isa’t isa, at pangalawang beses na ito.

Muling nabuhay ang isyu matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang babae at lalaking magkahawak kamay habang naglalakad sa Paris, France.

Diumano, sila ay sina Joong Ki at Tae Ri, bagamat hindi naman kita ang kanilang mga mukha.

Pero pinasinungalingan ito ng talent agencies ng dalawang aktor, ulat ng Soompi.com.

“Song Joong Ki And Kim Tae Ri’s dating rumors are completely untrue,” pahayag ng High Zium Studio, ang agency na nangangalaga kay Joong Ki.

“The dating rumors are completely false,” sabi naman ng Management mmm, ang agency ni Tae Ri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang tinutukoy na controversial photo ay larawan pala ng real-life couple na sina Hyun Bin at Son Ye Jin.

Sa kabilang banda, tila una nang sinagot ni Joong Ki ang dating rumors sa pamamagitan ng isang Instagram post noong October 27, ulat ng allkpop.com.

Ipinost ni Joong Ki ang larawan ng ilang “ground rules” sa current film na sinu-shot niya ngayon na, Holland.

Translated na mensahe: “No! No Shoes! Please take them off!” at “No dating on set!”

Ilan sa mga pinagbidahang K-dramas ni Joong Ki ay ang Running Man (2010), Descendants of the Sun (2016), at Vincenzo (2021).

Si Tae Ri naman ay bumida sa Mr. Sunshine (2018) at Twenty-Five Twenty-One (2022).

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"COMPLETELY FALSE." This is the reaction of the respective agencies of Song Joong Ki (left) and Kim Tae Ri following claims that the two South Korean stars are dating.
PHOTO/S: Netflix Korea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results