Mas lalong aabangan ng Filipino pageant fans ang gaganaping 71st Miss Universe edition sa January 14, 2023 dahil dalawang Pinay ang magtatapat.
Kinoronahang Miss USA ang Filipino-American beauty queen na si R’Bonney Gabriel sa katatapos lang na Miss USA pageant.
Ginanap ang pageant ngayong October 3, 2022 (October 4 sa Pilipinas) sa Reno, Nevada sa Amerika.
Si R’Bonney ay kinatawan ng Texas.
Ibig sabihin nito, makakalaban ni R’Bonney ang pambato natin sa Miss Universe pageant na si Celeste Cortesi, isang Filipina-Italian.
Si R’Bonney ay isa sa strong contenders sa katatapos lang na Miss USA pageant.
Siya ay isang fashion designer at Pilipino ang kanyang ama na nag-migrate noon sa Amerika para magtrabaho.
Read: Fil-Am beauties proudly vying for Miss USA 2022 title
HER WINNING ANSWER
Para sa kanyang final question, tinanong si R’Bonney kung ano ang kanyang “first priority to address the climate [change] issue.”
Sagot ng Pinay-American beauty queen: “I think there [are] ways we can implement in addressing climate change within our careers or lifestyle.
“It’s as easy as [having] a recycle bin into your house. Everybody can do that…
“Or being creative in ways you can also implement it in your job.
“I am a fashion designer. I actually made the outfit I’m wearing and I upcycle pieces and recycle different clothings to be sustainable in my industry, because I feel like it’s my duty.
“So I think that’s something we can all… look for ways in our certain industries or on our homes to be sustainable as well.”

PROUD PINAY
Sa kanyang social media account, gaya ng Instagram, bakas ang pagiging proud ni R’Bonney sa kanyang dugong Pinoy.
May isang larawan pa nga siya kasama si Rabiya Mateo matapos nitong sumabak ito sa Miss Universe 2020 pageant.
Noong mag-post siya ng Father’s Day greeting para sa ama noong June 2021, lubos niyang pinapasalamatan ang ama dahil sa pagpapakilala nito sa pinagmulang lahing Pilipino ni R’Bonney.
Caption ng dalaga noon: “Happy Father’s Day! Maligayang araw ng mga tatay! Thank you dad for showing me hard work and a dedicated mindset can bring you to your goals.
“Thank you for always wanting to travel and adventure, and bringing me to your home country of the Philippines throughout my childhood.
“Thank you for always pushing me to grab opportunities and live life with excitement and fun. Mahal kita.”
Dagdag pa rito, sa appearances ni R’Bonney sa American TV shows, masigasig ang dalaga sa pagkukuwento tungkol sa kulturang Pinoy, katulad ng avid Pinoy pageant fans at Filipino food.
