PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paris Hilton nag-offer ng US$10,000 para sa nawawalang chihuahua

“I'm doing everything in my power to get her back."
by KC Cordero
Published Sep 25, 2022
Paris Hilton and her pet Diamond Baby
Parang anak ang turing ni Paris Hilton sa kanyang pet na si Diamond Baby kaya napakasakit sa kanyang nawawala ito. Ginagawa niya ang lahat nang makakaya maibalik lang ang kanyang nawawalang chihuahua.

Nawawala ang chihuahua ni Paris Hilton, 41, na si Diamond Baby.

Nag-offer siya ng US$10,000 sa sinumang makakakita sa kanyang pet.

Last September 25, 2022 ay nag-post siya sa Instagram ng poster tungkol sa pagkawala ni Diamond Baby.

Poster of missing Diamond Baby

September 14 pa ito nawawala.

Ang bahagi ng caption ni Paris sa kanyang IG post: "It's been over a week and Diamond Baby is still missing. This has been on of the most painful experiences of my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I miss her so much and feel like part of me is gone without her next to me."

Aniya, may kinontak na silang "6 credible pet psychic/communicators" at tiniyak ng mga ito na buhay pa si Diamond Baby.

Sinabi rin ni Paris na bukod sa US$10,000 reward ay “no questions asked” din sa sinumang makakapagbalik sa kanyang alaga.

Nasa isang photoshoot umano siya at naglilipat-bahay nang mawala si Diamond Baby.

Posible aniyang isa sa mga movers ay naiwang bukas ang pinto ng kanyang tahanan habang naglilipat.

"My family and friends have been helping me search high and low throughout my entire neighborhood and have gone door to door but we still haven't found her."

Diamond Baby IG photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-hire na rin siya ng pet detective at gumagamit ng drones para mahanap ang kanyang pet.

“I'm doing everything in my power to get her back."

Para na aniyang anak ang turing niya kay Diamond Baby.

Kilala si Paris na mahilig sa pets.

Ang kanyang IG page na Hilton Pets ay laging nagse-share ng photos ng kanyang mga alagang aso.

Naibahagi rin niya sa isang 2015 YouTube video ang kanyang “doggy mansion."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang anak ang turing ni Paris Hilton sa kanyang pet na si Diamond Baby kaya napakasakit sa kanyang nawawala ito. Ginagawa niya ang lahat nang makakaya maibalik lang ang kanyang nawawalang chihuahua.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results