PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thai actor Beam Papangkorn dies at 25

According to reports, the The Stranded actor died in his sleep.
by Erwin Santiago
Published Mar 24, 2022
beam papangkorn thai cave rescue
Thai actor Beam Papangkorn, who was known for the Netflix series The Stranded ang Thai Cave Rescue, passed away on March 23, 2022. He was 25.
PHOTO/S: Netflix

Ikinabigla ng fans ng Thai actor na si Beam Papangkorn ang biglaang pagpanaw nito kahapon, March 23, 2022.

Ayon sa ulat ng The Bangkok Insight, namatay si Beam habang natutulog. Siya ay 25 taong gulang.

Ang ina ng aktor ang nakakita sa wala nang buhay na katawan ng anak.

Nag-alala ang ina ni Beam dahil tila napahaba ang tulog ng anak kaya pinuntahan niya ito sa kuwarto para gisingin. Pero nasindak ito nang malamang hindi na humihinga si Beam.

Kaagad isinugod sa ospital si Beam ngunit idineklara na itong dead on arrival.

beam papangkorn

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma rin ng spokesperson ng kinabibilangang agency ni Beam ang pagkamatay ng aktor.

Nakasaad dito: “Relatives have asked the doctor for an autopsy to determine the cause of death. If there are any new details, we will [be] notified immediately.”

Napuno naman ng mensahe ng pakikidalamhati ang huling Instagram post ni Beam tatlong araw lamang ang nakalilipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga proyektong nilabasan ni Beam ay ang BL film na Water Boyy (2015), Project S: Spike (2017), at ang Netflix series na The Stranded (2019).

the stranded

Tampok din si Beam sa upcoming Netflix limited series na Thai Cave Rescue, kung saan ginagampanan niya ang role bilang si Coach Eak, ang assistant coach na kasama ng 12 batang soccer players na na-trap sa isang kuweba dahil sa baha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipagdiriwang sana ni Beam ang kanyang 26th birthday sa August 31.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai actor Beam Papangkorn, who was known for the Netflix series The Stranded ang Thai Cave Rescue, passed away on March 23, 2022. He was 25.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results