Bumaha ng pakikisimpatiya mula sa pageant fans sa iba’t ibang panig ng mundo para kay Miss Grand South Africa at Miss Grand International 2021 4th runner-up Jeanè Van Dam.
Ito ay matapos siyang hindi makasama sa media tour ng mga nagwagi sa Miss Grand International 2021 na ginanap sa Thailand.
Ayon kay Jeanè, hindi siya sinabihang may mga aktibidad pa sila pagkatapos ng coronation night noong December 4 kaya lumipad kaagad siya pauwing South Africa noong December 5.




Kahapon, December 7, ang unang araw ng media tour ng mga nagwagi sa pageant: Miss Grand International 2021 Tien Thuc Thuy Nguyen ng Vietnam, first runner-up Miss Grand Ecuador Andrea Victoria Aguilera Paredes, second runner-up Lorena Goncalves Rodrigues ng Brazil, at third runner up Miss Grand Puerto Rico Vivianie Diaz Arroyo.
Nakalagay sa caption ng post sa Instagram ng Miss Grand International: “Being HAPPY never goes out of style! Media tour day1 at @one31thailand"
View this post on Instagram
Sa comments section, marami ang nagtanong kung bakit wala si Miss South Africa gayong siya ay kinoronahan din bilang 4th runner-up.


“I RETURNED BECAUSE I WAS TOLD”
Sa kanyang Instagram kahapon, nagpaliwanag si Jeanè kung bakit hindi siya nakasali sa entourage para sa media tour.
Matapos ang grand coronation, nagtanong daw siya sa isang kawani ng organisasyon kung kailangan pa ba siyang mag-stay sa Thailand.
Pero sinabihan daw siyang maaari na siyang umalis kinabukasan.
Paglilinaw ni Miss Grand South Africa, “I know there is a lot of confusion regarding my return to South Africa. So here are the facts.
“1. The night after crowning I went to a member of the team asking her whether I should change my ticket to stay in Bangkok.
“2. She told me that I can go home the next day and there is no need to stay.
“3. SO the reason for my return was NOT my countries borders or Covid19. I returned because I was told to do so.”
Ipinakita pa niya sa kanyang Instagram Stories ang palitan nila ng mensahe ng miyembro ng Miss Grand International Organization.

Pag-amin ni Jeanè, masama ang kanyang loob.
Pahayag niya, “I am heartbroken as this is a once in a lifetime opportunity. And I worked just as hard as the other girls. So to not be part of the media tour & new sisterhood bond is devastating to say the least.
“Thank you for all your love & support.
“#whereisSouthAfrica #whereisSA”
View this post on Instagram
Wala pang pahayag ang mga organizer ng Miss Grand International tungkol dito.
Hindi pinalad makapasok sa Top 20 ang kandidata ng Pilipinas na si Samantha Panlilio sa Miss Grand International 2021 kaya marami ang nagalit na Pinoy pageant fans.
Hinikayat nila ang Binibining Pilipinas Charities Inc., ang may hawak ng local na franchise ng Miss Grand International, na kumalas na sa nasabing international pageant.
Wala pang pahayag ang BPCI tungkol dito.
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
