Parang nanalo sa lotto si Dr. Vicki Belo pagkatapos siyang makapag-picture kasama ang world boxing champ na si Floyd Mayweather Jr.
Nasa Pilipinas ngayon si Mayweather para sa isang bakasyon at pagbigyan ang kaibigang Pinay sa paanyaya nitong silipin at ma-experience ang ganda ng ating bansa.
Nang magpunta si Mayweather sa Greenbelt Mall sa Makati City nitong Huwebes, May 10, nakasuwerte si Vicki na makapag-picture sa America boxer.
Makikita sa Instagram post ni Vicki ang larawan nila ni Mayweather, na nakasilip sa bintana ng sinasakyan nitong limo.
Paalis na raw noon ang American boxer, pero sumenyas lang daw si Vicki sa nakasaradong bintana ng SUV ni Mayweather para sa isang picture taking, at hindi nya inaasahang pagbibigyan siya nito.
Ayon sa celebrity cosmetic surgeon, napakapalad niya dahil sa dami ng mga nagnanais magkaroon ng photo op kay Mayweather ay siya lang ang napagbigyan.
Kaibigan ni Vicki at endorser ng Belo Medical Clinic si Jinkee Pacquiao, misis ni Senator Manny Pacquiao na tinalo ni Mayweather sa boxing bout.
Kaya nagpasintabi si Vicki sa Pambansang Kamao at sinabing love niya pa rin ito kahit nag-abala siya kay Mayweather.
Sa kanyang sumunod na IG post, ibinahagi naman ni Vicki ang pagpapa-picture sa kanya ng maraming fans.
Ayon sa cosmetic surgeon, ang mga taong nagpa-picture sa kanya ay nabigong makapagpa-picture kay Mayweather.
“Here’s the funny part, because the crowd waiting for Floyd Mayweather wasn’t able to take a photo with him (and) I was the only one allowed to take a photo), they asked to take my photo instead. They’re so sweet.”
