Inaresto ng pulisya ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Mark Cardona dahil sa pananaksak diumano sa kanyang dating girlfriend kahapon, May 5.
Ayon sa mga ulat, si Mark mismo ang nagdala kay Bianca Nicole Jackes sa Makati Medical Center noong Sabado ng umaga matapos niya itong masaksak sa kaliwang braso.
Ayon naman sa imbestigasyon ng Makati City Police, nasaksak daw ni Mark si Bianca pagkatapos nilang magkasagutan sa loob ng isang condominium sa Barangay San Antonio, Makati City, bandang 5:30 ng umaga.
“HIGH ON DRUGS.” Sa kanyang Instagram stories ngayong Linggo, May 6, ibinahagi ni Bianca ang kanyang bersiyon ng istorya.
Makikitang nakahiga pa siya sa kanyang hospital bed sa Makati Medical Center habang nagkukuwento tungkol sa nangyari.

Panimula niya, “I'm fine, I'm alive. The news articles are so fake. So full of crap.
“Mark and I are not together. We haven't been together for two years.
"He just showed up where I was staying with my two kids and attacked me with a knife and stabbed me.”
Ayon sa ibang balitang nakarating sa kanya, matindi raw ang away nila bago ang pananaksak sa kanya.
Pero pinabulaan ito ni Bianca.
Aniya, “And unlike the news says, there was no argument that happened.
"Mark went there high on drugs, trying to get back with me and I refused.
"I didn't even yell after getting stabbed because I didn't want to wake up my kids.
"All I did was try to calm him down."
Panawagan pa niya sa media, “And to all Philippine media, please get your stories straight before releasing it. Like, it is the most frustrating thing, hearing all these fabricated stories.”
Nagpasalamat naman siya at nakaligtas siya sa pangyayari.

Aniya, “At the end of the day, I'm very grateful that at least I just got stabbed in the arm but it has done a lot of damage.
"I just got out of surgery.”
