Muling nagpaliwanag si Sharon Cuneta sa hindi niya pagdalo sa launch ng jewelry line ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.
Naganap ang launch ng Avec Moi noong Martes ng gabi, March 20.
Tiyempo namang noong gabing din iyon ay dumalo sa isang private dinner si Sharon at ang nakatatandang kapatid niyang si Chet Cuneta.
Nasa private dinner ding iyon si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang Instagram post kahapon, March 21, nabanggit ni Sharon ang posibilidad na magkasama-sama sila ng kanyang asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan at ng ama ni KC at dating asawa ng Megastar na si Gabby Concepcion.
“It would’ve been awkward had I been at KC’s avec moi jewelry launch had both her papa [Gabby] and dad [Kiko] then I-been there.
“Turns out her Pa wasn’t able to make it,” sabi ni Sharon sa kanyang Instagram post, kung saan makikita ang larawan ni KC kasama si Senator Kiko.
Gayunman, sabi ni Sharon mabuti na rin at hindi siya nagpunta.
“Still, glad I didn’t go to unintentionally steal any of KC’s thunder or happiness.
“And KC knew I wasn’t going to be able to attend before dinner with the President was confirmed.
“Just FYI. Congrats again, KC. @itskcconcepcion.”
Bago ang post na ito, nauna nang ipinaliwanag ni Sharon na kaya hindi siya nakadalo ay dahil sasamahan niya ang kapatid sa isang pribadong okasyon kasama ang Pangulo.
“Kuya and I always find ways to make each other happy.
“Tonight, I was not only happy and honored to have dinner with Pres. Duterte, but also to make my Kuya the happiest I’ve ever been able to make him,” sabi ni Sharon sa pagkikita ng kanyang Kuya Chet at ng idolo nitong si Pangulong Duterte.
Noong gabing iyon ay nag-post din si Sharon ng kanyang binili mula sa Avec Moi.