“Real queens fix each other's crowns.”
Ito ang quote na ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang birthday greeting para kay Kris Aquino.
Nagdiwang ng kanyang 47th birthday si Kris nitong Valentine's Day, February 14.
Ayon sa Instagram post ng Megastar, matagal nang ipinadala sa kanya ni Kris ang art card na naglalaman ng naturang quote.
“There are not too many of us in showbiz. But love & respect prevail amongst us all—especially us two! Since we are no longer hiding our renewed friendship,” sabi pa ni Sharon.
Sa kanyang birthday message, nagpahayag din si Sharon ng pasasalamat kay Kris.
“Thank you for showing and sharing your heart with me like never before.
“And for caring about and for me, sharing your knowledge with me, and your generosity of spirit. [And I thought I already knew most everything about business! Galing my BG!]
“Have a blast with the boys! Sending you lots of hugs and kisses.”
Hindi naman naiwasan ni Kris na punahin ang pagkaka-post ni Sharon ng art card na ipinadala niya.
Ani Kris sa comment, “We need IG art card cropping session. Putol your artcard.”
May sinabi rin si Kris tungkol sa mga taong negatibo ang tingin sa pagiging magkaibigan nila ni Sharon.
Aniya, “To those who will try to throw bricks at the friendship we've already built—don't worry we'll use them to build our future production headquarters.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng tamang size ng quote card na ipinadala niya kay Megastar.
“Here you go to the only MEGASTAR, the original artcard I sen you a couple of months ago... much love, respect, and admiration being sent to you.”

RENEWED FRIENDSHIP? Sandaling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sharon at Kris noong 2012.
Nagkomento kasi noon si Sharon sa isang “fake interview” ng isang blogger sa parody account na may pangalang “Krissy.”
Sa “fake interview,” sinabi ni Krissy tungkol kay Sharon, na noo'y baguhan pa lamang sa social media, “I don’t follow her. Ayokong ma-stress aha-ha-ha But I follow KC.”
Hindi naman napansin ni Sharon na parody account si “Krissy” at hindi totoo ang interview kaya nagkomento siya ng, “Yaan na natin. Di ko rin naman siya fina-follow ever. Sasakit ang ulo ko.”
Dahil dito, sumagot si Kris sa Twitter at naka-tag si Sharon, “I don’t understand y u want to create animosity? It was the parody 'kriss' who commented about @sharon_cuneta12.”
Hindi nagtagal ay nagkaayos din ang dalawa sa pamamagitan ng pribadong pag-uusap.
Samantala, narito ang isang video na makapagpapatunay ng matagal na pagiging magkaibigan nina Sharon at Kris: