PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fashion Czar of Asia Jose 'Pitoy' Moreno dies at 87

Pitoy Moreno is considered one of the greatest Filipino designers.
by Arniel C. Serato
Published Jan 16, 2018 | Updated Jan 15, 2018
Pumanaw na ang isa sa pinakamagaling na Pinoy designers, si Pitoy Moreno, sa edad na 87. 

Pumanaw na ang tanyag na Filipino fashion designer na si Jose "Pitoy" Moreno ngayong Lunes ng hapon, January 15.

Siya ay 87.

Wala pang detalye kung ano ang ikinamatay ni Pitoy.

Noong 2014 ay nagkaroon ng balitang na-coma siya, ngunit agad itong pinabulaanan ng mga malalapit niyang kaibigan.

Nakaratay lamang daw ito sa ospital, hindi nakapagsasalita, ngunit matalas pa rin ang pandinig.

Si Pitoy ay kinilalang National Artist noong 2009.

Siya ang ikalawang ginawaran ng ganitong pagkilala sa larangan ng fashion design. Ang una ay si Ramon Valera noong 2006.

Si Pitoy ay kilala sa kanyang mga gawang Barong Tagalog at Maria Clara gowns simula pa noong 1950s.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ang gumawa ng mga kasuotan ng Bayanihan Philippine Dance Company, kung saan naipakita nito ang kagandahan ng mga kasuotang Pilipino.

Siya ang kauna-unahang presidente ng Philippine Couture Association.

Ang kanyang mga collection ay nakaikot na sa iba’t ibang bahagi ng mundo, katulad na lamang sa Paris, London, Rome, Madrid, Copenhagen, Athens, Barcelona, Sweden, Vienna, Moscow, New York, Chicago...

Washington D.C., San Francisco, Los Angeles, Tehran, Morocco, Honolulu, Tokyo, Hong Kong, Bangkok, Kuala Lumpur, Singapore, at China.

Na-feature ang kanyang mga creation sa mga sikat na international fashion magazines, katulad ng Vogue, Harper's Bazaar, Holiday, Le Figaro, at Women's Wear Daily, kung saan ang kanyang mga obra ay gawa sa jusi, piña, at lepanto.

Nabihisan na rin niya ang ilang First Ladies at nobility ng ibang bansa. Kasama rito sina Nancy Reagan, Pat Nixon, Bettty Ford, Queen Sirikit of Thailand, Queen Margarretta of Bulgaria, Queen Sophia of Greece, Princess Margaret of Britain, Princess Suga of Japan, the Marquesa de Villaverde, Cristina Ford, Margot Fonteyn, at Deeda Blair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos lahat ng First Ladies ng Pilipinas at Filipina beauty queens ay nabihisan din ni Pitoy.


Read Next
Read More Stories About
Pitoy Moreno, dead
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na ang isa sa pinakamagaling na Pinoy designers, si Pitoy Moreno, sa edad na 87. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results